Chapter 36

48 0 0
                                    

CHAPTER 36

Naaalala mo pa ba yung promise ko sayo??? Napatingin ako sa kanya….

Napahinto ako sa pagsiswing..

Anong ginagawa mo  dito?? Pano mo nalamang nandito ako? Gulat na gulat na sabi ko sa kanya..

Dinuyan nya ang sarili nya sa swing na parang bata..

 Ewan ko nga eh.. basta nalang ako dinala ng mga paa dito.. siguro naramdaman ko na nandito ka.. sabi nya.

Parang kailan lang.. naglalaro pa tayo dito.. bata pa tayo nun eh.. tapos dito tayo nagpromise na bestfriend tayo forever di ba?? Hininto nya ang pagsiswing at tumingin sya sakin..

Ahh.. oo nga eh.. bata pa tayo nun eh.. matanda na tayo ngayon. Kaya wala na yon. Inalis ko ang pagkakatitig sa kanya at nagswing ulit ako.

Tahimik kami pareho..

Pareho kaming nagswing..

Hindi naguusap, walang kibo sa isa’t isa..

Hindi ko alam ang nasa isip nya.. at mas lalong hindi ko alam kung papano nya ko natunton dito..

Anong kailangan nya??

Anong motibo nya at nagpakita sya sakin ngayon??

Di ba tapos na yung issue saming dalawa at sinabi kong iiwasan ko na sya??

O bakit ngayon nandito sya kasama ko??

Yan ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko..

Mga tanong na ayaw itanong ng isip ko..

Pero gustong gusto malaman ng puso ko..

bakit kaya ganito??  Sinabi ko nang iiwasan ko na sya.. at tapusin na naming ang  apagkakaibigan naming pero.. andito parin ako.. parang ayokong umalis..  sabi ko sa isip ko..

anong kailangan mo?? Biglang lumabas sa bibig ko ang mga salitang ito.

Di ba sabi ko sayo.. lumayo ka na sakin.. maissue ka nanaman.. nakakahiya naman sayo. Naiiritang sabi ko sa kanya.

Napailing ako sa mga sinabi ko dahil hindi ko na alam kung bakit lumalabas sa bibig ko ang mga salitang iyon..

I came here to talk to you.. at sana pakinggan mo na ko this time. Hininto nya ang pagsiswing at tumingin sakin..

Hindi ko sya tinitignan.. pero naaninag ko ang pagtingin nya sakin..

Ano pa bang sasabihin mo?? Di ba nasabi mo na lahat? Tanong ko sa kanya..

Hindi ako mapakali.. at nanlalamig ang mga kamay ko..

Dana.. wala pa kong nasasabi sayo.. at sana naman this time pakinggan mo na ko. Tinignan nya ko na para bang nagmamakaawa sya sakin..

Tumango ako.. at ymuko..

Handa narin siguro akong pakinggan kung ano man ang mga sasabihin nya sakin..

Kahit ano po yun.. at kahit pa gano kasakit..

Sorry… alam ko kulang pa yung salitang yan para mapatawad mo ko.. alam ko, nasaktan kita ng sobra dahil sa mga nangyari, at lalong lalo na tungkol sa mga nasabi ko sayo.. pati nadun sa sagot ko sa issue tungkol sating dalawa.. hininto nya ang pagsisiwing.

Alam mo, nung una, aaminin ko sayo.. na hindi kita masyadong naasikaso kasi nageenjoy ako sa career ko.. nagenjoy ako sa work na ginagawa ko.. at di ko napansin na may isang tao na kong napapabayaan.. at ikaw un. Laging kang nandito para sakin, pag may problema ako, lagi mong pinapagaan ang loob ko.. sinusoportahan mo ko.. samantalang ako.. wala man lang akong nagawa para sayo.. dag dag nya.

Hindi ako  makapagsalita sa mga narinig ko.. pero hinayaan ko lang sya na magsalita at magpaliwanag..

Aaminin ko sayo, natakot ako.. natakot akong mawala sakin kung ano man ang meron sakin ngayon kaya nagpadala ako sa mga sinasabi ng ibang tao.. kaya lahat ng sinasabi  nila kahit mali..  sinusunod ko.. I’M VERY SORRY.. lalo na dun sa nangyaring issue sating dalawa.. gusto kong sabihin sayo na hindi intension talaga na sabihin yung mga salitang yun.. sorry talaga. Napayuko sya.

Alam mo.. ok na.. hindi ko naman kayang magalit sayo eh.. ayokong magtanim ng sama ng loob sayo.. sorry din Ken.. lalo na sa mga nasabi ko sayo.. at tsaka sana yung ano… yung sinabi ko sayo last time kalimutan mo nayun.. sabi ko sa kanya.

Ano?? Alin don? Ang dami nun eh. tumingin sya sakin.

Ahh.. wala.. mabuti ng wag mo ng maalala. Yumuko ako at nag swing ulit.

O sige na bati na tayo.. umuwi ka na baka hanapin ka na ng girlfriend mo.  Sabi ko sa kanya.

Girlfriend??? Ahh… tungkol nga pala don.. may gusto rin sana akong ipagtapat sayo. Tinignan nya ko.

Ano?? Tanong ko sa kanya.

 Wala akong girlfriend.. palabas lang naming yun.. publicity ika nga.. hindi ko girlfriend si Karen. Seryosong sagot sakin ni Ken.

Ha??! Ano kamo??! Gawa gawa lang?? nabigla ako sa sinabi nya..

Hindi ko alam.. parang may kung anong ginhawa akong naramdaman sa puso ko..

Parang natanggalan ng tinik nung narinig ko yung mga sinabi nya..

Parang sumaya yung pakiramdam ko…

Pero syempre hindi ko yun ipinahahalata..

Dans, since andito nadin naman tayo.. gusto kong ibaon na yung promise ko sayo na bestfriend tayo forever.. tinitigan nya ko.

Ha??! Anong ibig mong sabihin???

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon