Dear Diary,
Minahal ko siya. Minahal ko siya ng sobra sobra. Hanggang sa lagi ko nang binubuhos lahat ng oras at attensyon ko para sakanya lamang.
Pinangalanan na nga namin lahat ng mga "anak" namin para sa future. Apat sila. Tatlong lalaki at bunsong babae para alagaan nila ang kapatid nila. Minahal ko siya.
Tinaboy ko lahat ng ibang kaibigan kong lalaki dahil sa paningin ko, siya lang dapat ang nagiisang lalaki sa buhay ko. Bakit ko pa kailangan ng lalaking kaibigan kung ka-relasyon ko naman na ang best friend ko? Minahal ko siya.
Pinaglaban ko siya sa mama ko dahil sa tingin ni mama, masyado pa kaming bata para sa isang relasyon. Sabi ni mama, hindi namin alam ang totoong ibig-sabihin ng "love". Pero minahal ko parin siya.
Kay dami kong inaway na babae dahil sa pagseselos ko. Gusto kong ako lang ang nagpapasaya sakanya. Gusto kong ako lang ang nagiisang babae sa buhay niya, gaya ng ginawa ko siyang nagiisang lalaki sa buhay ko. Pero nasakal na siya. Nagmula sa dating, ginusto niya ang pagseselos ko, na ngayon ay naging sobra na sakanya at nasakal na siya. Minahal ko siya.
Tinaboy ko ang lahat ng opportunidad para makamit ang mga pangarap ko dahil ayako siyang iwan. Mas pinili ko siya kaysa sa mga scholarships at school programs na inoffer saakin dahil sa isipan ko dati, siya lang ang kailangan ko. Minahal ko siya.
Ang dating magdamag na paguusap sa telepono ay biglang naging trentang minuto na puro awkward silences dahil hindi na natin ginugustong makausap ang isa't isa. His good days are no longer my good days dahil parang wala na akong pakealam sa kung ano man ang ginawa niya sa araw niya. Tilang, wala na kaming interest sa kung ano man ang kailangang sabihin ng isa't isa. Minahal ko siya.
Buwan buwan iniiwan niya ko dahil napapagod na daw siya. "I need a break, I'm done with you". Pero bakit buwan buwan napapagod siya? Bakit hindi nalang siya umalis ng tuluyan? Dahil ayaw ko siyang pakawalan. Ang sariling katangahan ko ang mismong salarin kung bakit lagi akong nasasaktan. Alam kong masama siya para saakin pero ayaw ko parin siyang pakawalan dahil kahit na sinasaktan niya ko, siya parin ang kasiyahan ko. Minahal ko siya.
Wala akong ginawa kundi mahalin lang siya. I put him on a pedestal and built him a throne to show him how much I loved him, but that surely wasn't enough to stop him from waking up one day and realizing he no longer loved me.
Pero minahal niya nga ba talaga ako kung wala siyang ibang ginawa kundi saktan lang ako? Wala siyang ibang ginawa kundi paiyakin lang ako? Wala siyang ibang ginawa kundi iparanas saakin na hindi ako importante sakanya dahil laging ang dali lang para sakanya na iwan ako?
Minahal ko siya.... Pero hindi niya ako minahal.
This is dedicated to who I thought was the one.
___________________________________________
I'm back with more sad stories. Humahagulhol ka na ba? Nakarelate? Okay lang yan sis, there's more to come. Another one shot from yours truly.
DON'T FORGET TO VOTE || FOLLOW/BECOME A FAN || COMMENT
BINABASA MO ANG
A Box of Stories
FanfictionA box full of one-shot and short stories all revolving around Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, also known as KathNiel. All these stories are a figment of my imagination and has nothing to do with real life (I wish). So sit back, read your fangir...