Principal's Office

1.3K 57 23
                                    


Napangiti si Amihan ng makita ang isang babae na papalabas ng aiport habang dala-dala nito ang kanyang medyo may kalakihang maleta.

"Aleeeeeeeeeeeenaaaaaaaaaaa!" kaagad na sigaw ni Danaya ng mahagip ng mata nito ang babaeng pinagmamasdan ni Amihan kaya napatakip ito sa kanyang tengga. 

"Si Danaya talaga" sabay na sabi ni Amihan at Pirena kaya nagkatinginan sila at tumawa bago linapitan ang dalawa na masayang nagyayakapan. 

"Pasali naman kami diyaaan oi" sabi ni Pirena at kaagad na kumalas sa pagyayakapan ang dalawa at nakita niya naman na ngumiti si Alena ng makalapit siya dito ay kaagad siyang yinakap nito. 

"Namiss kita ng sobra Lenlen" sambit nito between their hugs. 

"Namiss din kita, Pirena" nakangiting sabi ni Alena. 

"Eh ako?" 

Napakalas ang dalawa sa kanilang pagyayakapan at nakangiting tinignan ni Alena si Amihan "Syempre namiss din kita" sambit ni Alena at yinakap si Amihan. 

"Group hug" sambit ni Danaya at yinakap si Amihan at Alena ganun din ang ginawa ni Pirena. 

"Namiss ko na talaga ang ganitong moment" natatawang sambit ni Alena between their hugs. 

Kumalas silang apat sa pagyayakapan at tinulungan nilang si Alena na kargahin ang mga gamit nito. 

"Mukhang marami-rami ata, ang dala mo Alena? Akala ko ba you'll just stay here for a month?" puna ni Pirena ng mailagay niya ang lahat ng maleta na dala ni Alena sa likod ng kotse. 

"Bakit Pirena hindi pwede?" mambabasag ni Danaya sa kapatid "Kilala mo naman yang si Alena kung pwede lang nga pagkasiyahin ang buong bahay sa mga maleta niya ay gagawin niya" 

"Hoyyy, Danaya grabeh ka naman. Hindi naman sa ganun - -" 

"Hindi daw sa ganun, ang sabihin mo daig mo pa ang girls scout na palaging handa. Kaya ka napapagalitan ni Mommy noon eh dahil sa dami mong dala ang bigat ng bag mo kaya minsan hinihika ka" 

"Grabeh siya oh, kakarating ko lang fresh from America tapos sesermonan mo lang itong beauty ko?" 

"Che! Sermon ka jan, I'm just stating the fact no" 

"Oo na Danaya, manahimik ka na pakiusap" sabi ni Alena at natawa naman siya ng makita niyang magroll eyes ang kapatid. 

"Anong problema? Ang tahimik niyo diyan?" tanong ni Alena at sinilip ang binabasang text ni Amihan. 

Nagkatinginan sila Amihan at Pirena bago tinignan si Danaya. 

"Hindi ko gusto iyang mga tingin niyo" sambit ni Danaya. 

"Check your phone" madaling utos ni Pirena. 

Walang nagawa si Danaya kundi sundin ang sinasabi ng kapatid, nakita niya ang isang text galing sa unknown number at binasa niya naman ito. 

Napaface palm na lang si Danaya. 

"Hanggang ngayon pala hindi pa rin nagbabago ang mga pamangkin ko" nakangiti pero umiiling na sabi ni Alena "Suki pa rin sa principal's office" 


"Alena, I'm sorry but I think we have a change of plans"

Alena giggled "Don't worry, I totally understand you guys. Mas okay nga yun kasi makakasama natin kumain ang tatlo, the more the merrier nga diba?"

"Ano nanaman ang ginawa nila?" frustrated na sabi ni Pirena.

"Si Alexandra nanaman siguro ang pasimuno nito" sambit ni Danaya at napahilamos na lamang gamit ang kaniyang mga kamay.

Generations of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon