Revelations

798 35 9
                                    

Mira

Tumingin ako sa para tignan kung gaano kataas ang tatalunin ko. I inhale and exhale for one more time before I decided to jump.

"Mira?" napatingin ako sa ibaba ng likuran ko at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang tumawag sa pangalan ko.

"What are you doing up there? Bumababa ka nga jan at baka mahulog ka pa!" mariin na utos niya.

"I'm sorry, Alex" I said sincerely before I decided to jump.

But damn it! Mukhang hindi maganda ang paglanding ng mga paa ko.

Bumukas ang gate at nakita ko na lumabas sila Lira at Alexandra habang ako naman hawak-hawak ko ang paa ko.

"Mira" kaagad silang lumapit sa akin

"Are you okay?" narinig kong tanong ni Alexandra sa akin at inilahad niya ang kamay niya na kinuha ko naman.

"Aray! Aray!" daing ko.

Nakita ko ang pagtampal ni Lira sa noo niya "Iyan kasi nagmamagaling akala mo kung sinong magaling lumanding" sambit ni Lira.

"Lira, why don't you just shut up and help me bring Mira to the clinic?"

"Bes, ipapahamak niyo naman ako pag sa clinic niyo ko dinala"

"At ngayon mo pa talaga naisip iyan bago ka tumalon? Bakit mo ba naisipang tumalon eh bukas naman ang gate?!" sambit ni Alexandra habang nakataas ang mga kilay nito.

'Sorry naman po, hindi ko naman alam na bukas iyan' gusto ko sabihin sa kanila but I stop myself for sure sobra pa sa batok ang matatanggap ko sa kanilang dalawa.

Nakita ko siyang yumuko "Saan ba masakit?" tanong niya at hinawakan ang paa ko.

"Aray! Alexandra"

"Ano ba kasing pumasok sa isipan mo Mira at naisipan mong umakyat ng gate at tumalon? Magpapakamatay ka ba?"

"Lakasan mo pa boses mo Lira para lahat tayo mapatay ng mga mommy natin" inis na sambit ni Alexandra.

Heto naman kasing si Lira daig pang nakamegaphone dahil sa lakas ng tinig niya.

"Ayyy sorry naman po"

"Kaya mo bang tumayo?" tanong sa akin ni Alexandra.

"Kaya ko pero baka dalhin niyo ko - -"

"Punta tayo sa orphanage?" sambit ni Alexandra at tinignan niya kaming dalawa ni Lira.

"Bes cutting classes talaga?" di makapaniwalang sabi ni Lira "Baka ma principal's office na naman tayo nito"

"Doon rin naman patungo si Mira kung di natin siya naabutan eh, diba?" nakangiting sambit ni Alexandra sa akin.

Talagang wala akong maitatago sa babaeng to, iniisip ko pa lang alam niya na eh.

"Ano? Sasama ka ba?"

"Pero kapag nalaman nila mommy at tita ang gagawin natin mapapatay tayong tatlo"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Alexandra dahil may point naman ang sinasabi ni Lira.

"I'll just deal with my mom's scolding later" nakangiting sambit ni Alexandra sa akin.

"Wow I didn't know that the great Alexandra would be saying that"

"Lira!" sambit ko at tinignan ko siya ng masama.

"Oo na, I'll be quiet na po" sambit niya as she zips her mouth.

"I'm in, since ako naman ang puno't dulo ng paglabas niyo sa gate" nakangiting sambit ko at sabay namin tinignan si Lira.

Generations of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon