Visitors From The Past

1.3K 49 15
                                    

It was very unsual for the three to be quiet kapag magkasama kaya nagtataka si Alena kung bakit hanggang ngayon ay di nagsasalita ang tatlo.

Kaya lumingon siya para tignan kung bakit.

"Kaya naman pala eh" nakangiting umiling na sabi ni Alena nang mapaharap siya.

"Hindi pala magkatabi ang tatlo"

Pinagigitnaan nila Aquil at Danaya si Alexandra habang si Amihan naman ang nasa gitna nila Lira at Mira.

Habang si Alexus naman ay mahimbing ang pagkakatulog sa tabi niya.

"Saan tayo kakain?" tanong ni Pirena pagkarating sa mall.

Kaagad napatingin ang lahat kay Alena stating na siya ang magdedecide.

"Bakit ako? Kakarating ko lang ng Pilipinas kaya wala akong alam kung saan masarap na kainan dito"

Sabay napabuntong-hininga ang tatlong magkapatid at nagkatinginan.

"Mom, Jollibee na lang tayo. Gusto ko kumain ng fries" suggestion ni Lira.

"Jollibee na naman Lira? Hindi pwedeng sa McDo naman tayo? Gusto ko bumili ng happy meal nila"

"No" matigas na hindi pagsangayon ni Lira "Kakain lang natin dun last week. Nakalimutan mo na ba ha Mira?"

"KFC na lang tayo, gusto ko kumain ng brownies nila"

"No!" nakacross arms na sabi ng dalawa.

"Ayyy grabe sila kailangan talaga bulyawan ako? Nagsusuggest lang naman ako gaya niyo eh" nakangusong sabi ni Alexandra.

"Manahimik nga kayong tatlo! Baka akala niyo nakalimutan na namin ng mommy niyo na na principal's office nanaman kayo!" naiinis na sabi ni Pirena sa front seat kaya napatahimik ang tatlo.

"Nagsusuggest lang naman eh" sabi ni Alexandra.

"Tumahimik ka na Alexandra baka gusto mo pang mapagalitan ka ni Ate Pirena"

Umiling si Alexandra at walang nagawa kundi tumahimik.

"Alex"

Napatingin naman si Alexandra sa Daddy Aquil niya.

"Brownies lang yung gusto mo sa KFC?"

Alexandra nod "Sige wag ka ng malungkot, bibilhan kita mamaya"

Napatingin naman si Danaya sa asawa at pinandilatan ng mata si Aquil. Nginitian lang siya ng matipid ni Aquil. Bakas naman ang kasiyahan sa labi at mga mata ni Alexandra kaya hindi na lang nagsalita si Danaya.

"Ang daya, matext nga rin si Daddy para naman may kakampi ako dito" sambit ni Lira at kinuha ang cellphone niya.

"Bakit mo kailangan ng kakampi? Inaano ba kita?"

Napatingin si Lira sa mommy niya "Ayaw niyo kasing pumayag na sa jollibee tayo kumain eh" nakangusong sabi ni Lira.

"May sinabi ba akong hindi tayo doon kakain?"

"Talaga mom?" tanong ni Lira at kaagad na yinakap ang kanyang mommy "Thank you" masayang sabi nito.

Ngumiti lang si Amihan habang yakap-yakap niya si Lira napatingin siya kay Mira at hinawakan niya ang balikat nito "Don't worry, magtatake out na rin ako sa McDo para sa'yo Mira"

Generations of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon