Surprise

1.1K 50 16
                                    


"Ang lalim ng buntong-hininga na yun ah" puna ni Pirena pagkapasok niya sa opisina ng kapatid. Linapitan niya ito at tsaka umupo sa harapan "May problema ba?"

"Wala pagod lang ako sa kakaharap ng mga papeles na ito" sambit ni Amihan at tsaka binitawan ang hawak niyang mga papeles.

"At talaga ako pa ang lolokohin mo, Amihan?" sambit ni Pirena "You were spacing out when I entered your office kung hindi pa nga ako nagsalita hindi mo ma lang mapapansin na pumasok ako"

"So anong problema mo?"

Walang nagawa si Amihan kundi bumuntong-hininga na lang ulit bago siya magsimulag magsalita "Ybrahim and I got into a fight bago siya umalis ng bansa the other day at hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinakausap"

"Ano namang pinag-awayan niyo?"

"I saw a kissmark on his polo. Imagine Pirena, dapat ako ang galit dahil nakita ko pero ako yung hindi makatiis sa sitwasyon namin ngayon"

Pinigilan ni Pirena na tumawa ng maalala kung kanimo galing ang kissmark sa polo ni Ybrahim para hindi makahalata ang kanyang kapatid sa hinahanda nilang surprise para dito.

"Nagkausap ba kayo? Malay mo baka sayo galing ang kissmark na yun di mo lang maalala" natatawang sabi ni Pirena.

Amihan glares at Pirena. Like she was telling her sister na hindi siya nagbibiro.

"Hay nako Amihan kung ako sa iyo kausapin mo na si Ybrahim. Anniversary niyo pa naman"

"Kaya nga ako naiinis sa kanya eh. Nagawa niyang kausapin ang mga bata kagabi sa video call. Tinext niya ang limang bata na good morning tapos tinanong pa niya kung anong gusto nila na pasalubong habang ako na asawa niya di niya ako nagawang igreet kahit good morning man lang sa araw na ito?" bakas sa tinig ni Amihan ang pagkainis.

"Pati ba naman mga bata pagseselosan mo?" Pirena sounds serious but deep inside pinipigilan lang niyang matawa sa sinusumbong ng kanyang kapatid.

"I'm not jealous. I'm just irritated with Ybrahim"

"Hay nako. Mabuti pa at maglunch na lang tayong apat. At least ngayon mas macacatch up na tayo sa mga nangyayari sa buhay natin magkakapatid dahil wala na ang mga bata"

"May meeting ako"

"Well, cancel all your meetings my dear sister dahil mag shoshopping tayong apat"

"Pirena I have a meeting with Mr. Roble"

"Cancel it"

"But -"

"No buts sweetheart dahil bago pa ako pumasok dito sinabihan ko na ang secretary mo na icancel ang mga meetings mo sa araw na ito at ireschedule ito sa ibang araw"

Napabuntong hininga na lang si Amihan dahil mukhang pursigudo ito sa plano nitong magshoshopping

"Ano bang trip mo ngayon Pirena? At ikaw pa talaga nagyaya"

"Wala gusto ko lang magrelax saglit kasama kayo nakakapagod din kaya maging busy"

Amihan look at her sister frowning. She was not satisfied about her answer pero mukhang wala lang ito sa kapatid dahil kinuha nito ang cellphone nito at nagsimulang magbasa ng text.

"Alam na ba ng dalawa ito? Baka hindi pumayag si Danaya alam mo naman ang bunsong kapatid natin ang -"

"She already said yes kaya sasama ka sa ayaw at sa gusto mo" sambit ni Pirena at tumayo "Get ready, marami tayong gagawin sa araw na ito" Pirena said as she winked at her little sister.

Napangiting-umiling na lang si Amihan habang pinagmamasdan ang papalabas na si Pirena.

................

Generations of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon