Coffee Stealer

758 36 4
                                    


"Lira, ano nanaman bang kalokohan tong gagawin mo?" tila naiinis na tanong ni Mira sa kanyang pinsan na si Lira.

"Basta, magtiwala ka lang" sambit ni Lira kay Mira sabay wink dito at tinapos ang ginawa niyang prank.

"Pag si Alexandra napahamak sa ginawa mo malilintikan ka talaga sa akin"

"Heller? Hindi ka pa talaga na sanay sa aming dalawa ano? Isa pa magaling na yun" sambit ni Lira "Tignan mo nga kung si Alexandra na yun" utos niya kay Mira ng makarinig siya ng paghinto ng sasakyan.

"Si Alex na nga"

"Dalian mo, magtago ka na baka pumanhik na yun sa itaas" Mas binilisan ni Lira ang kanyang kilos at tsaka bumababa at hinila si Mira dahil hindi pa rin ito gumagalaw sa kinatatayuan nito.

"Pag si Alexandra napahamak dahil dito -"

"Sshhh!! Just watch and learn" bulong na sambit ni Lira habang pinagmamasdan ang pintuan sa kanilang tinataguan.

Mira just rolled her eyes "Ewan ko sa'yo"

(Sa Baba)

"Ewwww! Mom! Dad! Pwede ba sa kwarto niyo na lang kayo magpakpakan?" nakakunot noong sabi ni Alexandra habang tinatabunan ang kanyang mga mata "My precious eyes huhuhu"

"Heto naman baby namin panira ng moment"

Kaagad na pinandilatan ni Danaya ng mata si Aquil "Hindi mo ko madadaan sa ganyan, Alex. Bakit late ka umuwi?"

"I texted Daddy, Mom na malalate ako sa paguwi dahil may project akong tinapos with my groupmates" sambit ni Alexandra at tinignan ang Dad niya "You didn't tell Mom, Dad?"

Napakamot si Aquil sa kanyang ulo at sinalubong ang mga namamatay na tigtig ni Danaya "Sorry hon, nakalimutan ko"

"Kaya pala chill ka lang jan habang ako nagaalala dahil hindi pa nakakauwi ang isa"

"Sorry na nga eh, nakalimutan ko" nakapout na sabi ni Aquil at yinakap si Danaya.

"Ewan ko sa'yo Aquil" sambit ni Danaya at tinanggal ang pagkayakap ni Aquil sa kanya.

"Alex naman!" Pabirong sabi ni Aquil

"Dad, naman baka ako pa pagbalingan ng  pagkainis ni Mommy mahirap na" natatawang sabi ni Alexandra

"So ganun? Laglagan tayo ngayon?"

"Dad, minsan may mga laban talaga na kailangan mo magsacrifice" sambit ni Alexandra as she tap Aquil's shoulder.

"Ahhh ganun? Pag ikaw pinaggalitan ulit ng mommy mo, bahala ka na rin ha?"

"Well Mommy loves me -"

"Alexandra what are you still doing here? Go to your room and change your clothes kakain na tayo any minute from now" mariin na utos ni Danaya.

"Opoo"

Aquil just chuckled.

"Oh anong tinatawa mo diyan?"

Kaagad nag-iwas ng tingin si Aquil "Walaaa"

(Sa itaas)

Pagkabukas na pagkabukas ni Alexandra ng pinto ng kwarto niya ay pumasok siya.

Nagbihis siya ng may naramdaman siyang kunalabit sa kanya.

Generations of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon