BUMUHOS ang malakas na ulan nang sila'y makaalis sa Suniga Manor. Ang mabahong amoy ng nabasang daan ang agad nagpangiwi sa mukha ni Thaysky. Hindi niya gusto iyon. Bukod sa gumuguhit sa dibdib ay nakakabalisawsaw.
Umaldag ang kanilang sasakyan sa pamilyar na lubak. Doon iyon sa kaparehas na poste, kung saan may nakadikit na missing na bata. Nakakapagtakang malubak pero palagi nalang mabilis ang paandar ng driver nila kapag tumatapat doon. Palagi ring tumatama sa bintana ang ulo niya kapag ganoon. Province road is really sucks.
Nilingon niya ang malawak na bukiring may malagong tanim. Sabi sa kanya ng Auntie Criselda niya, malapit na kaibigan ng kanilang ama ang may-ari ng bukid na iyon. Malakas ang ulan, ang ilan sa halaman ay nakadapa. Ang ilan naman ay sumasayaw sa saliw ng turo ng hangin. She glanced when Eury lean closer to her. She smells her Jasmin. The scent of perfume that she'd given with her. It came from Australia, a best seller fragrance that she doesn't like.
"Tuesday ngayon. Half day dahil sa club," bulong ng kapatid niya.
Tuesday! Isang araw palang 'yon? Bakit feeling ko dekada na ang nagdaan? Huminga siya ng malalim. Isinusumpa niya talaga ang lugar na ito. Dahil bukod sa maalinsangan ay maulan pa. Mahina rin ang signal ng internet. Nananadya yata dahil sa mismong kama niya ay walang signal, kailangan pang lumabas sa balcony makasagap lang.
Umahon ang init ng ulo niya nang maalalang sinabi niya iyon sa Auntie niya. Pero hanggang ngayon ay nagdurusa pa rin siya. "Malakas ba ang internet sa kuwarto mo?"
Tumuwid sa pagkakaupo si Eury para tingnan siya. "Oo. Kailangan ko ng malakas na internet para sa research ko."
Then why the signal on my room was dead? Lumingon siya sa labas at kinimkim ang inis na nadarama. Unti-unti nang nagkakabahay sa parteng iyon. Hindi niya alam kung bakit parang magkakagalit ang mamamayan doon. Magkakalayo na para bang ayaw ng kapitbahay.
"Sabi ni Auntie nagpapatingin ka ng signal sa kuwarto mo. Papapuntahin ko si Simon para tingnan. Busy rin kasi 'yon. Mamaya, ipapasilip ko sa kanya 'yung router."
She nodded her head, too busy on estimating the range of each house on that area. Nahihiwagaan siya kung sakop pa rin ng kaibigan ng daddy nila ang bukid na iyon. Lumingon siya sa gawi ni Eury. Nahuli niya itong nakatingin sa kanya. Nahihiwagaan o nawiwirduhan. "Why?"
"Anong tinitingnan mo?"
Sinuklay niya ang maikling buhok. "The land and houses here. Bakit magkakalayo?"
Sumilay ang biloy sa pisngi ni Eury. "Ngayon ko lang din napansin 'yan. Nasanay lang siguro ako. Palagi kasing dinadaanan."
Maging siya ay namangha. Paano kaya nakasanayan ni Eury, ang mabuhay sa ganitong kalungkot na mundo? Kumpara sa Australia na buhay, kahit gabi. They lived in a village. The place is semi-province but modern and near the city. Their house there was medium, but enough for one family with two guest room. Their neighborhoods do have a farm too, but not like the setting here in Casa De Rios. One hectare before the next house.
BINABASA MO ANG
The Scent Of Savage
ChickLit(SPG/R-18) ❤️ Owl City Boys Series - 2 ❤ The Kikay Australian, witty, and fashionable, Thaysky Suniga locked up in the province. She thought her life will be boring there, until she met the Adonis version, Zedrick Dominic Hetch - the hottie cowboy...