NILIPAT niya ang pahinang binabasa bago sumulyap kay Eury. Napansin niya ang pagiging aktibo nito buhat kanina. Nauna kasi siyang pumasok sa loob nang sabihin ni Zedrick na maagang natapos ang training. Hindi niya alam kung bakit siya pinagtakpan nito. Ligtas na siya at dapat ay masaya sa pagsalba sa kanya pero kanina pa siya nababahala. Bumaba kasi ang kapatid niya at kinausap ang lalaki. Ilang oras din 'yon.
Kaya niya siguro ako pinilit na ihatid ay dahil sa kay ate. I didn't see that coming. But I can't deny the glow in their eyes. Could it be Zedrick, not Simon? She looked in the notebook and comprehended the context. Hindi niya na puwedeng isama sa listahan ng prospect si Zedrick. Siguro ay iyong varsity nalang o kung wala naman ng choice ay si Drake.
That night become usual. For sure her Friday is normal too. Not until Ken approached her during their lunch break.
"That's a nice name. I'm Sky." Tinanggap niya ang kamay nito para makipagkamay. Sa maikling oras nang kuwentuhan ay nakuha niya ang numero nito. Napansin din niya ang pagiging matured ng binata, lalo noong ipasara ang butones ng blouse niya.
She didn't expect that, though she thought him as challenging and new experience. Besides, Kevin supported her craziness. He is cool and open type of boyfriend. Susubukan niya naman ngayon ang striktong boyfriend.
Ken: Ang ibig mo bang sabihin ay tayo na?
Saglit siyang napaisip sa reaction ni Ken. Kakahingi nga lang naman nito ng number niya at hindi pa natatapos ang buong araw ay sinasagot niya na. She's in the Philippines not in Australia. The people here is quite conservative and doing everything slow. Katulad nang pagluluto ng Bulalo. Para lumambot ang laman ay kailangang pakuluan nang matagal, sa gayon ay lumasa at maging mas masarap. Kung sa pag-ibig naman ay kailangan niyang maghintay at obserbahan kung tunay ang pag-ibig ni Ken.
I need to follow that culture?
She mentally rolled her eyes and glanced on the wall clock. Ilang sipa nalang ng oras ay matatapos na ang klase at uwian na. Para sa kanyang mission ay hindi niya kailangang sundin ang nakaugalian ng mga tao rito. Hindi siya marunong maghintay.
Sky: Ayaw mo ba?
The bell rang. Sinabi ng guro nila sa huling subject na pag-aralan ang lesson nila ngayon at may quiz sa lunes. Idinagdag niya iyon sa reminder at sinilip ang reply ng future boyfriend niya.
Ken: So, tayo na? Puwede ba kitang makita mamaya? May practice ba kayo sa HBR Club?
Tinawag siya ni Paige. Nagalit ito kaninang umaga dahil sa ginawa niya kahapon. At syempre, nagalit din siya dahil napakawalang kuwenta ng arrangement kahapon. Hindi masayang maghintay sa wala.
Dumiretso sila sa Comfort Room para magpalit ng damit. Nang matapos ay doon palang siya nakapag-reply kay Ken. Iyon na rin ang oras niya para imbitahan si Paige sa lakad nila sa Rios De Rima.
BINABASA MO ANG
The Scent Of Savage
ChickLit(SPG/R-18) ❤️ Owl City Boys Series - 2 ❤ The Kikay Australian, witty, and fashionable, Thaysky Suniga locked up in the province. She thought her life will be boring there, until she met the Adonis version, Zedrick Dominic Hetch - the hottie cowboy...