Mystery

2.1K 85 30
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


DINALUHAN siya ni Zedrick ng mawalan ng lakas ang kanyang mga binti. Her tears pooled on her cheek. The sight of their creepy and empty mansion terrified her terribly. Until an old red Honda suddenly appeared on the center coming through.

Dahan-dahan siyang tumayo, umaasang pamilya niya ang lulan noon. Bumaba roon ang payat na babaeng sa unang tingin ay hindi niya nakilala.

"Sky? Ikaw ba iyan? Diyos ko, buhay ka!"

She shivered at the familiar voice of her Auntie Criselda. Kumawala siya sa pagkakahawak ni Zedrick upang buksan ang gate. Muling dumaloy ag luha sa kanyang pisngi. Nanginginig siya habang ginagawa iyon at nang makapasok ay buong init niyang niyakap ang kanyang tiyahin.

"Bakit ngayon ka lang bumalik?" tanong nito.

She can't answer. All the words swept away on her mouth and all that mattered now is that she had her Auntie. This little hope is enough. That she is still not alone.

Humiwalay siya upang matitigan ito. The last time she'd remembered her Auntie was beautiful, blooming and healthy literally, why she became malnourish? "What happened to you, Auntie? Where's mom and dad?"

Bumalantay ang kalungkutan sa mga mata nito. "Sa bahay nalang natin pag-usapan iyan, Hija. Sundan niyo ang sasakyan ko."

Gusto niya sanang sumabay dito pero napansin niyang nahihiya ito sa kanya. Sa huli sinunud nila ang gusto nito at sumunod palabas ng Mansion at nagtungo sa kabilang parte ng nasasakupan ng lupain nila. Natatandaan niyang doon itinatambak ang mga lumang gamit nila.

Nilakihan ang maliit na bahay doon. Mas buhay ang kulay, ngunit simple ang disenyo. Mayroong bodega sa gilid noon kung saan dinig ang tunog ng makina sa pagtatahi.

Sa maliit na espasyo ay huminto ang pulang sasakyan. Doon sumunod si Caesar.

"Are you alright?" Si Zedrick na kanina pa siya tinitingnan.

Tumango siya, nakaligtaang ngumiti. Basta nalang tinulak ang pinto para sumunod sa kanyang tiyahin na naghihintay sa kanila. Mas lumakas ang tunog ng makina, na batid niyang matagal ng negosyo ng kaniyang tiyahin.

Pumasok sila sa loob ng bahay. Sofa agad ang bumungad sa kanya at maliit na mesa. May flat screen na hindi ganoong kalaki. Walang ibang dekorasyon, tanging ang base na puno ng sunflower sa gilid.

"Uminom muna kayo!" Lumabas sa kanang pinto ang kanyang Tiyahin, tangan ang tray ng pitcher na may lamang juice at tatlong baso.

Umupo siya sa sofa at pinanood ang paroon at parito nito upang maglagay ng makakain sa mesa. Kinukurot ang puso niya sa nasasaksihan. Ganoon na ba kalugmok ang kanilang pamilya upang walang makuhang katulong sa bahay nito? Hindi siya sanay na ito ang nag-aasikaso ng lahat.

Naranasan niya sa kaunting panahon ang pagiging katulong. Mahirap na gusto mo nang sukuan, pero paano nalang ang Auntie Criselda niyang araw-araw na walang katuwang?

The Scent Of Savage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon