Majesty

2.6K 110 56
                                    

THE SIGHT of Eury Suniga under her gorgeous gown, hang on the ceiling lifeless— horrified her extremely

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE SIGHT of Eury Suniga under her gorgeous gown, hang on the ceiling lifeless— horrified her extremely. "Who did this to you?" she asked despite her trembling knees. She suddenly remembered how her sister begged Brandon about the arranged marriage. Nasundan din iyon ng hindi pagkakaunawaan kaninang tanghali. Kung hindi lang hinarang ni Simon ang lalaki, tiyak baka nasaktan na nito ang kapatid niya. Kaya dumiretso ito sa kanilang ama para magsumbong.

Killing her sister will be his last card. He hung her sister to hide his real crime.

This is all your fault, Brandon. You'll pay for this.

Galit ang pumuno sa kanyang mga paa upang magkaroon ng lakas na makatakbo palabas. Doon siya dumaan sa fire exit na tatagos sa maliit na gate. Mabigat sa kanyang kalooban ang gagawing paglayas. Pero kailangan niyang iligtas ang sarili para sa makasariling pasya ng kanyang ama.

She was wrong when she pushed hard to win their attention. The truth was it was okay to be unnoticed. She run like a suspect. It's better to be away than stay and live like a puppet. They will just manipulate her life like a pawn on a chess game.

May dumaang pick-up truck ng mga gulay. Mabagal ang kilos noon kaya nakasampa siya sa likod. Mugtong-mugto ang mata niya kakaisip sa kanyang kapatid na nilapastangan ng taong naging sakim sa pagmamahal. The thought of her sister trying to survive from Brandon's assault, pierce her chest.

Wala manlang siyang nagawa para tulungan ito. Kung sana nakialam siya noong mga panahong nakita niya itong umiiyak. Niyakap niya ang kanyang mga tuhod at sinubsob doon ang kanyang ulo.

I'm sorry. I'm sorry that I didn't come when you need me. I'm just near you, yet, I let my self-happiness covered my vision to see that you are helpless and alone. That you needed me.

Nakatulog siya sa kakaiyak buong biyahe. Nagising lamang siya nang may malaglag na repolyo sa braso niya. Tirik na ang araw. Salamat sa takip ng mga gulay ay may nasilungan siya. Hinawi niya iyon at sumilip kung nasaan na sila. Ganoon nalang ang gulat niya nang tumambad ang matatayog na gusali at malalaking pangalan ng ibat ibang istablisyemento.

Huminto ang sasakyan sa isang crossing. Doon siya bumaba at ginawang pambayad ang kanyang bitbit na cellphone. Gulat na gulat ang mag-asawang matanda na sakay siya ng mga ito.

"Anong lugar na po ba ito? Malapit lang po ba rito ang Main Owl City?" tanong niya sa dalawa na hindi pa rin makapaniwala.

"Nasa South ka ng North Gate ka, Hija. Kapag diniretso mo iyan ay terminal na magdadala sa iyo patungong Main Owl City," ang matandang babae ang sumagot. Siniko ito ng asawa nito, halatang walang tiwala sa kanya. Bumulong pang baka nababaliw siya.

"Thank you so much. Ingat po kayo sa biyahe niyo!" Hinawakan niya ang laylayan ng kanyang dress at tumawid sa kabilang kalsada. Ininda niya ang mga matang panay ang lingon sa kanya habang naghahanap ng pawnshop. Isasangla niya ang kanyang suot na kuwintas at hikaw na suot.

The Scent Of Savage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon