Part 2
Nakadating na kami sa lokasyon namin... sa... Blue Magic... Bumaba na kami sa kotse at pumasok na kami sa blue magic. . .
Hinintay ko si Jane makalapit sakin at sinabayan ko siya maglakad.
Bakas sa mukha niya ang pagkairita dahil panay pa rin ang text ng suitor na at ayaw siyang tigilan.
Namili muna si Steph ng perfume at tinutulungan siya ni Airah, at kami ni Jane naman natingin ng mga stufftoys pero sinusulyapan pa rin niya ang cellphone niya na hawak niya...
Jane? ok ka lang? (nahihiya at may konting kaba na tanong ko sa kanya)
Napalingon siya sakin at napakunot ang noo na ani mo'y nagtataka...
Jane? bakit Jane? (tanong niya)
Diba, Njailah Jane ang name mo? ok lang ba kung Jane ang itawag ko sayo? (Namumutlig na ang pawis ko habang kinakausap ko siya, pero naka aircon dun ah? saan ka pa?)
Ok kung dun ka komportable, kuya ko lang kasi ang natawag sakin nun... (pangiting sagot niya.)
Sure ka ok lang ha? kasi kung ayaw mo naman eh Lai na lang ang itatawag ko sayo...(pahiyang tanong ko ulit sa kanya).
Oo naman walang problema. . . ^_^ (taas kilay na sagot niya habang nakangiti sakin.)
Lord awatin mo po ako, please, baka di ako makapag-pigil eh mahalikan ko siya.(dasal ng isip ko) Kinikilig ako pero siyempre bawal magpahalata...
Napatigil kami sa isang side kung saan may nakita siya na white dog na stufftoy at hinawakan niya ang tag para tingnan ang name "Twiny"...
Cute noh? (pasulyap na tanong niya sakin)
Tumango ako at ngumiti, may kinuha siya sa bulsa niya... panyo ... at nagulat ako ng agad niyang pinunasan ang noo ko...
Mainit ba?... (Tanong niya habang pinupunasan ang pawis ko.)
Ahhh, ewan ko... Siguro... (Shy) (namumula na sagot ko, aatakihin na yata ako... gusto kong magmelt sa hiya pero hindi ko magawa,... grabbeeee ang caring niya, ikaw na nga ang hinahanap ko.)
napangiti ako sa kanya at nagpasalamat. . .
Ako: Balik tayo sa teddy bear...
Lai (Jane): Teddy Bear??? (kunot noo)
Ako: Aw ano pala dun sa pusa...
Lai (Jane): Hah?
Ako: Ay yung ano... yung...
Lai (Jane): Aso???
Oo yun nga... ganda noh? cute niya... mukha kasi siyang cat... (palitong sambit ko sa kanya habang kamot batok ako.)
Oo... haha mukha bang cat? kaw talaga. . . (Natatawang sagot niya)
Sarap ng usapan namin eh kaya lang may umeksena. . .
Tumunog na naman cellphone niya... and again nasira mood niya...
Ako: Jane ok ka lang ba? try mo replyan, baka sakaling tumigil siya...
Lai (Jane): Pag nireplyan ko siya lalong mangungulit kaya ayoko... (ismid na sagot niya sakin)
Ako: Ahh...
Tumawag na ang kumag na suitor ni Jane ko...
as-usual ayaw niyang sagutin...
Ako: ayaw mong sagutin?
Umiling lang siya sakin. . .
Ako: Akin na. . .
Binigay ko ang kanang kamay ko para kunin ang cellphone...
Bakit? (tanong ni Jane)
Basta akin na para tumigil. (Sagot ko)
Binigay niya ang cp niya sakin at sinagot ko ang tumatawag. . .
Ako:Hello...
Hello Lai ko, good morning... (boses sa kabilang line)
Hello... (Ulit ko)
Line 2: Hello sino ''to?
Bf ni Njaila... pwede ba wag na wag ka ng magte-text or tatawag sa number ng girlfriend ko kung ayaw mong bumaon sa kinatatayuan mo. (pagalit na sagot ko sabay end ng call)
Binalik ko na ang cp ni Jane at nakita kong napa-awang ng konti ang labi niya, waring nagtataka kung bakit ko sinabi yun..
Anong sabi mo? (tanong ni Airah habang palapit samin.)
Narinig mo naman hindi ba? ang kulit niya kasi eh, ayaw pa'awat eh nasisira ang mood ni Jane kaya sinagot ko na lang. Lakas loob na sagot ko kay Airah... Simula kasi nung nakita ko ang care ni Jane sakin (kahit punas pawis lang) eh parang naging desidido na'ko na e-level up ng konti ang friendship namin. (di kasi ako sigurado kung tatanggapin niya ako kung malaman niya na lesbian din ako, kaya... afraid din akong manligaw, tama na muna ang friends.)
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Nicky Song & Aom Sushar) (GxG)
RomantikNaranasan mo na bang Ma-Love at Second Sight? kung oo sagot mo. makaka-RELATE ka sa story na 'to... Sa Love talaga hindi pwedeng puro na lang SAYA andyan kasi yung time na MAGSESELOS KA kahit wala kang rights andyan din yung MASASAKTAN at...