Residencia de Valle Verde Part 2

579 13 0
                                    

Ako: Airah, Steph... kakain na...

Hindi ako nagpahalata sa kanila na malungkot na naman ako. . . ganun din kay Jane...

Pumunta na din kami sa kusina para kumain.

Wala na din akong gana kaya hindi ko na ginalaw ang pagkain ko. . .

After namin kumain ay lumabas na ulit ang dalawa para siguro makapag usap sila. . . . (favorite place ni Airah ang garden. ewan ko nga lang kung bakit.)

Napansin ko din na may gustong sabihin si Jane sakin pero hindi niya masabi dahil panay ang iwas ko.

Nauna na siya sa sofa at ako naman naghugas ng kamay... pagkatapos ko ay lumabas na'ko ng kusina... at nung malapit na'kong umupo ay hinila niya ako para tumabi sa kanya...

Ako: ray ko naman.... walang pasabi? pede namang dahanin eh.

Jane: Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?

Ako: Anong tanong?

Jane: Kanina...

Ako: Alin nga doon? (ngiming sagot ko... kahit alam ko ang sinasabi niya ay ayoko pa rin sagutin.)

Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko kung sakaling hindi niya ako mabigyan ng chance.

Jane: Ang Gulo ha? naiinis na'ko.(Naiiritang sabi niya.)

Ano nga???????(Pasigaw na sabi niya.)

Ako: Ang totoo?

Jane: Oo... yung totoo.

Ako: HIndi ko alam ang gagawin ko kapag hindi mo ako binigyan ng chance.

Bumuntong hininga siya at ngumiti....

Ako: Ano na?

Jane: Ewan ko sayo.... 

Nakangiting umirap siya sakin...Hindi ko na din dinugtungan ang usapang iyon dahil alam ko na ang sagot niya... alam ko din na may konting chance ako para sa kanya kaya bumalik ang saya sa heartness ko at yumapos ulit ako sa kanya... ewan ko ba kung bakit wala na akong keme pagdating sa kanya... siguro nga ganon ko siya kadaling lambingin... well ok din naman sa kanya... at kahit ayaw niya eh hindi pa rin ako bibitaw sa pagkakayakap ko, kaya naman.... wala siyang choice... o diba? hehehe.

Binuksan ko muna ang T.V para makapanood kami, habang si Airah at Steph busy sa usapan ng dungawin ko sa garden kaya di ko na sila inabala.

Bumalik na'ko sa tabi ni Jane... (siyempre... back to YAPOS na naman ako..... ayieeeee.)

Jane: Oi Sed... Nilalanggam na'ko sa kakayapos mo....(pangiting sabi niya.)

Ako: Jane.... Umuahhh....(at naka-kiss na naman ako sa lips...) (bang... Sapul na naman.)

PInisil niya ang ilong ko...

Nakaka-ilang nakaw na ah?(sabi ni Jane.)

Ako: Ok lang... atleast hindi sa iba.

Ngumiti lang siya at nanood na lang ng T.V.

 Pumasok na sina Airah at Steph... nakita nila kami...

Bibitaw sana ako kaya lang obvious na kung bibitaw pa'ko.

Ooopppssss! wag ka nang bibitaw Sed... kita na namin...(Bungad ni Airah.)

Ako: Sinong may sabing bibitaw ako? sarap ng pwesto ng kamay ko dito eh...

Steph: Anong meron?

Lumapit sila at nanood din.

Ako: Ahm.... wala naman.... inggit ka din ba? payapos ka kay Airah dali...(asar ko sa kanya.)

Umaktong yayapos si Airah...

Airah: Oo nga naman Steph... Miss ko din kaya yun.

Steph: Sige lika dito....

ayun nag-hug din ang dalawa....

Ako: Wow... Nice naman... Minsan try natin mag-double date?

Steph: Double date ka diyan... baka kayo lang.

Bakit ayaw mong makipag date sakin? (Tampong tanong ni Airah.)

Steph: Ayoko baka magalit pa GF mo sakin.

Ako may GF? (Ngiming sagot ni Airah.)

Bakit wala ba?(sabad ni Jane.)

Airah: Ah meron pala... eto siya...(sabay turo kay Steph)

Nagkatawanan kami....

Ma-iba ako... Pano niyo nalaman address ko?

Airah: Sakin....

Ahhhh... ayos  ah? di ako naka ready dun sa pagbukas ko ng pinto... kakagulat kayo eh... kala ko taga meralco or taga water district ... hahaha  kayo pala...(ngiting sabi ko sa kanila.)

Parang mainit dito?! tambay tayo sa room mo Sed... Pa-aircon ka na lang... (aya ni Airah)

Sige dun tayo... dito na lang din kayo mag miryenda at dinner.. hatid na lang namin kayo pauwi... para happy... payag kayo?(tanong ko sa kanila.)

Tumango lang ang dalawa ni Steph at Jane... napa "YES" ako ng mahina sa tuwa dahil matagal-tagal ko siyang makakasama.

Unexpected Love (Nicky Song & Aom Sushar) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon