Convo namin ni Airah

972 14 0
                                    

Pagkahatid namin kay Steph ay umuwi na din kami.

Ako: Toy, naging kayo pala ni Steph?

Airah: Oo pare, di ko nakwento sa'yo nung highschool pa naman kasi naging kami eh.

Ganoon ba? tagal kasi nating hindi nagkita eh, . . (sambit ko habang ngdadrive)

napangiti lang siya sakin. . .

Ako: Toy, dun ka na lang magstay samin para may kasama ako, tutal pareho lang naman tayong alone sa bahay eh. (offer ko sa kanya)

A/N: (See Airah and Sedfrey's picture at the side ---------->>>>>>>)

Sige, skype ko nalang sila mama at papa at sasabihin ko'ng dun muna ako sa inyo, kukuha lang ako ng mga damit ko. (sagot niya).

Dumaan muna kami sa bahay nila para kunin ang mga kailangan niya...

3pm kami nakadating sa bahay ni Airah. . .

Airah: Di ka na ba papasok sa loob? lika muna, miryenda muna tayo, papahanda ako kay manang ng miryenda natin.

Bumaba na lang muna ako para magmiryenda na din kahit pano. . .

Nagpahanda na siya ng miryenda habang ako naman ay nagpaiwan muna sa salas.

Habang nagmumuni ako ay hindi pa rin si Jane mawala sa isip ko. hindi ko alam talaga kung ano ang nararamdaman ko, ang ganda kasi niya, para bang nasa kanya na ang lahat or let me say she's the GIRL NEXT DOOR... Dream Girl lang? (napapangiti ako habang nkaaupo sa sofa at napapailing) sabay nagpatugtog naman si Airah ng DREAM GIRL by Kalohe Kai... Napalaki na talaga ng ngiti ko.

ito talagang mokong na'to pinapraning ako eh. . . pero may iba talaga akong nararamdaman sa tuwing maa-alala ko ang mga ngiti at tingin niya sakin...

Hay kupido ano na naman ginawa mo sa puso't isip ko. pinapalundag mo na naman ang puso ko ah? grabe ka talaga... ang lupit mo talaga.

Bumaba na si Airah bitbit ang mga gamit niya.

Tara sa kusina toy, kain muna tayo... (aya ni Airah sakin)

Habang nakain kami eh dumaldal na naman c Airah...

Airah: Toy, maganda ba si Lai? (walang kemeng tanong niya)

Oo naman pare, (napabiglang sagot ko tangan ang sandwich na may palamang hotdog with mayonnaise)

Teka anong tanong yan? (dinilatan ko sita ng mata habang nakangiti)

Wow dre! nasagot mo na nagtatanong ka pa? bakit may bigla effect? haha huli ka! (asar ni Airah sakin)

Ngumiti ako at kumakagat sa tinapay, hindi ako natingin sa mukha ni Airah dahil sure na mabubuking niya ako pag tumawa ako ng malakas. . .

Kanina ko pa gustong kiligin pero hindi ko magawa dahil magmumukha akong tanga kung tatawa-tawa ako mag-isa diba? so tinatago ko na lang muna, pero napapangiti ako habang tinitingnan ko ang sandwich na hawak ko. . .

Pare Umamin ka nga sakin Crush mo siya? (taas kilay na tanong ni Airah)

Di ko na talaga napigilan ang sarili kong tumawa. . .

Anong problema kung oo??? (direchahang sagot ko)

Sabi ko na nga ba eh. (pitik daliri nyang tugon)

Airah: Obvious dre, . . iba kasi aura mo pag andyan siya eh.

Ako: Hai oo na. . . binigay ko na sayo ang gusto mong marinig.

Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami at dinala ko na siya sa bahay. Pagdating namin ay nagpahinga muna kami at sa kwarto ko na lang siya pinatulog tutal malaki naman ang kama ko at kasya tatlong tao kaya kahit magpagulong gulong kami eh pwede, mas gusto ko kasi ang king size bed na binili ng dad ko para sakin.

Ako:toy, feel at home ha? wag ka mahihiya. . .

Salamat tol, . . . akalain mo nga naman dati naglalaro lang tayo noon everytime na may okasyon or party na gaganapin dito ngayon iba na, tapos yung kulay ng kwarto mo dati pink kasi ate mo ang nag decorate (sa ate ko kasi dati ang kwarto, nung nagstay na siya sa state binigay na nya sakin) tapos ngayon black & white na. hahaha.

Unexpected Love (Nicky Song & Aom Sushar) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon