I

12.1K 265 35
                                    

CHAPTER ONE:

THE FAVOR

***

YO'S
POINT OF VIEW

I LOOKED at him and then I looked at her. I looked at both them looking so happy and complete in each other's arms. I smiled. Kahit mahirap, kahit pilit na pilit, ngumiti pa rin ako. I didn't want them to know that I was just forcing myself to be happy for them just because I didn't have a choice. Ayokong malaman nila na half-baked ang kasiyahan ko sa relasyon nila through these years.

   Kasi bakit pa? May magbabago ba if they knew what I truly feel? Would fate work in my favor if the truth was revealed? I guess not. Kaya heto ako, kunwari masaya. Kunwari hindi nasasaktan. Kunwari, okay lang ang lahat. Kahit hindi.

   "O, tama na 'yan! Lalanggamin na ako sa ka-sweet-an n'yong dalawa," saway ko sa dalawang magkasintahan sa harapan ko. Hawak ko ang strap ng backpack ko habang nakangiti sa kanila.

   "Humanap ka na kasi ng girlfriend para hindi ka na naiinggit sa'min, bes," natatawang sagot ni Pring, ang bestfriend ko since pagkabata. Maganda, matalino, sweet, mabait at nagmula sa mayamang pamilya. Everything was served to her on a silver platter. She had everything she ever wanted. Including... Okay, change topic.

   "Kailan ka ba titigil sa pagtawag sa akin ng bes? Ang awkward pakinggan, Pring, ha."

   "Unless magka-girlfriend ka, hindi ako titigil sa pagtawag sa'yo ng bes. Kaya kung ako sa'yo, start dating girls from our campus na. Ang daming may gusto sa'yo. Particularly my group of friends who goes crazy whenever you're near. Just give me a go signal, ibibigay ko sa kanila ang phone number mo immediately."

   "Hey, 'yan ang 'wag na 'wag mong gagawin kung ayaw mong mag-F.O. tayo."

   "I'm sorry, what's F.O?" naguguluhang tanong ni Pha, ang super hot at super gwapong print ad model na boyfriend ni Pring for four years.

   "F.O. Friendship Over," Pring answered then rolled her eyes. "Babe ha, sa'ng bundok ka ba galing? F.O. is an overused term na kaya and yet you don't know it."

   "Sorry naman," nahihiyang sabi nito and scratched the back of his neck. Shit, he looked so sexy! Lagi naman, eh. "O, tara na. Mali-late na tayo."

   "Kanina ko pa 'yan sinasabi sa inyo. We're running late pero mas inaatupag n'yo pa ang paghaharutan. Let's go!"

   Pumwesto ako sa backseat. Si Pha ang driver habang nakaupo sa tabi nito sa frontseat si Pring. Gano'n lagi ang seat plan namin sa loob ng mamahaling kotse ni Pha. Palaging ako ang mag-isa sa likuran. Natural. Awkward naman kung kaming dalawa ni Pha ang magkatabi at nasa likod lang ang girlfriend niya, 'di ba?

   I chose not to be bitter about it. I distracted myself through social media. Ayoko rin kasing marinig ang dalawa sa harap ko while they're talking and exchanging sweet nothings.

   Hmmm... Ano 'to?

   Nag-message pala si Ming sa'kin last night. May naka-attach doon na picture ni Pha sa isang restaurant kung saan hinahalikan siya ni Pring sa pisngi at may strawberry cake sa mesa. Hay naku, nag-focus na lang ako sa favorite kong strawberry cake para hindi makaramdam ng kung anu-anong unwanted feelings.

Monthsary nila kagabi, that was my short reply.

Four years na sila 'tapos nagsi-celebrate pa sila ng monthsary?! Hindi ba pwedeng sa anniversaries na lang sila mag-celebrate para tipid sa pera?! he replied.

Maybe LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon