XX

4.1K 191 21
                                    

CHAPTER TWENTY:

THE INVITATION

***

YO'S
POINT OF VIEW

SO FAR, I've been doing a good job in keeping myself away from them. Sa school, tuwing nakakasalubong ko si Pring o si Pha, lumalayo na lang ako at naghahanap ng ibang daan. Minsan nakokonsensya ako sa ginagawa ko. It felt like I was being cruel. Pero kailangan kong panindigan iyon. Ilang beses ko na kasing sinabing ayoko na at susuko na ako pero wala namang nangyari. This time, kailangan kong kayanin talaga. It has been two weeks and I was doing okay.

   "O? Ano'ng problema mo? Ba't kanina pa hindi maipinta ang mukha mo?" tanong ko kay Ming habang kumakain kami ng lunch sa isang nearby fastfood restaurant. Iniiwasan ko na rin kasing kumain sa school cafeteria kasi mas malaki ang possibility na magkikita kami ro'n nina Pha at Pring.

   "Wala," aniya habang pinaglalaruan ang pasta using his fork.

   "Anong wala? Kahit si Leonardo DaVinci, hindi kakayaning i-paint ang mukha mo."

   "Ha-ha. Funny."

   Uminom ako ng iced tea and eyed him suspiciously.

   "Oy, Ming, kilala kita. Tagal na nating magkaibigan, sa'kin ka pa maglilihim? Alam kong may hindi ka sinasabi sa'kin."

   "Wala, 'no. Ano ka ba!"

   Pero hindi talaga ako convinced kahit anong gawin niyang pag-deny.

   "Tatlong araw na nating hindi nakakasama si Kit mag-lunch. May problema ba kayo?"

   "Wala."

   "Eh, bakit hindi natin siya kasama?"

   "Ano naman ngayon kung wala siya? Tayo naman ang magkaibigan, 'di ba? Originally, tayong dalawa lang bago naging kami."

   That was when I knew it. May problema nga ang dalawa.

   "You're not answering my question."

   "Busy siya, okay? He's too busy. Happy?"

   "At okay lang sa'yo?"

   "Na ano?"

   "Na busy siya."

   "Of course," hilaw niyang sagot. "Dapat okay ako, 'di ba? Kasi I should be a supportive boyfriend. Dapat palagi akong understanding and patient. Kahit pagod na ako, kahit naiinis na ako, dapat hindi ko 'yon ipahalata kasi baka ma-distract siya sa pinagkaka-busy-han niya. So, yeah, okay lang ako. Okay lang talaga ako."

   "Hindi naman masyadong halata ang sarcasm sa tono mo, 'no?"

   "Hindi naman talaga sarcastic ang tono ko. Sincere kaya ako."

   "Yeah, right."

   After mag-lunch ay bumalik na kami sa school. Napansin kong wala talaga sa mood si Ming kaya hindi ko na lang masyadong kinausap. Minsan lang mawala sa mood ang kaibigan ko kaya pinagbigyan ko na. After our afternoon classes, nauna siyang umuwi kasi may gagawin pa raw siya. Kahit hindi naman talaga ako naniwala sa sinabi niya, hinayaan ko na lang. Maybe he needed some time alone.

   Mag-isa akong naglalakad sa corridor nang bigla akong i-approach ni Kit.

   "Yo!"

   "Hey, ikaw pala 'yan. Bakit?"

Maybe LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon