XVI

4.1K 179 4
                                    

CHAPTER SIXTEEN:

EMERGENCY CALL

***

YO'S
POINT OF VIEW

IT WAS a long yet fun-filled day. Nag-enjoy kaming lahat sa mga activities na ginawa namin. Maraming games, freebies at syempre, intense ang naganap na amazing race. Nagkaro'n rin ng voice lessons para sa mga kasali sa singing contest at dance lessons naman for the dance contest participants. By the time we went back to our respective rooms, malapit ng dumilim and we were all dead tired. Sa sobrang dami ng ginawa namin sa araw na iyon, hindi ko na alam kung ano pa ang pwede naming gawin bukas. Talagang pinaghandaan pala ng school namin ang activity na 'yon.

   Pinagpahinga muna kami bago mag-dinner. Kulang ang isang oras na power nap ko but I had to get up and prepare myself for dinner. I couldn't miss it dahil iyon lang ang pagkakataon na makakasama ko si Pha ng mas matagal sa buong araw na 'yon. Hindi kasi kami magkagrupo sa mga activities kanina pero nagngingitian naman kami 'pag nagkikita. Iyon lang. Sobrang simple lang ng mga interactions namin sa araw na 'yon compared to yesterday na dalawang skinship ang naganap. Nakakainis, masyado tuloy akong nasanay sa intimacy namin, eh, dalawang beses lang namang nangyari 'yon.

   Oo na, nabitin rin ako! Ako na. Ako na ang malandi. Can you blame me?

   "Long time, no see." Iyon ang sinabi ni Pha nang magkita kami sa beach para sa dinner.

   "Sira." Natawa ako "Kumustang katawan mo? Hindi ka ba napagod sa dami ng ginawa natin ngayon?"

   "Medyo nangangalay nga, eh. Nakakapagod 'yong amazing race pero ang saya."

   "Ang saya nga."

   "Let's eat."

   Magkasabay ulit kaming kumuha ng foods sa buffet table. Napansin ko rin na kung anu-anong foods ang nilalagay niya sa plato ko. Halos mahulog na nga ang iba dahil punung-puno na iyon.

   "Oy, 'wag namang kung anu-ano ang nilalagay mo sa plato ko. Hindi ko mauubos lahat ng 'to."

   "Uubusin mo 'to para naman tumaba-taba ka ng konti. Ang payat mo."

   "Hindi kaya."

   "Joke lang." He gave me a boyish grin which made my heart skip a beat. Aya'n na naman tayo sa pamatay niyang ngiti, eh. "Ako talaga ang kakain sa mga nilagay ko d'yan."

   "Huh? Eh ba't hindi mo nilagay sa plate mo?"

   "Maglalagay pa ako ng iba dito sa plato ko, eh. Bale makikikuha rin ako sa plato mo kaya nakikilagay lang talaga ako ng pagkain d'yan."

   "O-okay."

   "Takaw ko, 'no?"

   Pwede bang itigil na niya ang pagngiti sa'kin? Hindi naman sa ayaw ko, pero nau-awkward ako, eh. Nau-awkward bukod sa kinikilig. 'Pag kasi ngumingiti siya, mas nai-in love ako. Ano ba 'yan, ang corny na ng mga sinasabi ko. Paki-ignore na lang, please. Kasalanan lahat 'to ni Pha, eh. Pwede naman siyang maging gwapo lang. Hindi 'yong gwapung-gwapo, 'di ba? Tapos sobrang cute pa.

   Naki-share ulit ako sa table ng banda nila. Mas naging comfortable na ako at nakakasabay na sa mga biruan nila. Mabuti na lang talaga at nando'n si Pha, or else, magiging outcast talaga ako do'n sa resort.

   Pagkatapos kumain ay isa-isang nagsialisan ang mga tao. Maaga yatang magpapahinga dahil sa pagod. I couldn't blame them, though. Sobrang sakit nga ng katawan ko. Kung hindi lang siguro dahil kay Pha na tahimik na nakaupo sa buhangin kaharap ng madilim na dagat, kanina pa akong pumasok sa kwarto at natulog. But I chose to stay beside him. The setting was very romantic. Just the two of us, sitting and talking on the beach under the moon and stars. Ang sarap mag-imagine. Ang sarap i-romanticize. Kaso lang, alam ko namang walang malisya ang lahat ng 'yon kay Pha. Para sa kanya, nakikipag-usap lang siya sa isang kaibigan.

Maybe LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon