VI

4.2K 198 9
                                    

CHAPTER SIX:

OTHER GUY

***

YO'S
POINT OF VIEW

PINAGMASDAN ko si Pring habang nakaupo siya sa harap ng salamin sa loob ng kanyang kwarto. Kakatapos lang siyang ayusan ng make up artist at stylist. In a few minutes ay magsisimula na ang birthday party kaya mabilis na ang kanyang paghinga. Kinakabahan siguro.

   "Bes, okay lang ba talaga akong tingnan?"

   "Aya'n ka na naman sa bes-bes na 'yan, ha. At saka pwede ba, Pring, ilang beses mo na akong tinanong niyan within this hour."

   "Eh kasi naman, I want to look perfect in front of my visitors."

   "And you already look perfect."

   "Sure?"

   "Trust me."

   Nakita kong ngumiti siya. She was always like that. Gusto niya perfect palagi. Kaya nga minsan, nahihirapan na siya sa pinu-portray niyang perfect image in front of her family and friends. Sa akin lang niya nilalabas lahat ng weaknesses niya, lahat ng negative na parte ng pagkatao niya. Because she knew that I wouldn't judge her. Grabe ang tiwala na ibinibigay niya sa akin.

   "Pring..."

   "Hmm?"

   "Are you happy?"

   Humarap siya sa akin at tumayo. Kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.

   "Of course I am happy. What kind of question is that?"

   "Are you truly happy?"

   She laughed but I knew better. Alam kong pilit ang tawa na iyon.

   "Yo, ang weird mo, ha."

   "Alam mo namang pwede mong sabihin sa akin ang lahat, 'di ba? You can trust me."

   "Y-yeah, of course."

   I was trying to make her confess na may iba siyang lalaki. I wanted her to open up para malaman ko why is she cheating on Pha. Hindi na ba siya masaya sa boyfriend niya? Nagsawa na ba siya? Hindi na ba siya in love dito? Gusto kong malaman. Hindi dahil gusto kong agawin si Pha—kasi wala rin naman akong pag-asa— kundi para ma-prevent ang mas malaking damage na posibleng mangyari.

   Pha deserved to know the truth. Ayokong magmukha siyang tanga. At the same time, ayokong ako ang magsabi ng katotohanan sa kanya. It was not my story to tell. Relasyon nila 'yon ni Pring at wala akong karapatang makisali sa issues nila.

   "Andito lang ako para tulungan ka." I smiled at her bago ako lumabas sa kwarto niya. Inayos ko ang suit ko na medyo nalukot at naglakad na palabas ng bahay nila.

   Sa bakuran ng kanilang mansyon  gaganapin ang party. Marami nang tao sa paligid. Center of attraction ang stage na itinayo sa gitna ng malaking-malaking pool. May tumutugtog na orchestra doon at may singer rin na kumakanta to entertain the guests.

Maybe LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon