CHAPTER TWENTY-THREE:
I NEED YOU BACK
***
YO'S
POINT OF VIEWNANATILI ako sa sala after ng nangyari. Hindi ako mapakali. Sobrang galit at disappointed ako sa sarili ko. Nagpadala na naman ako sa weakness ko. Talo na naman ako. Ilang beses ko ng sinabing tama na, ayoko na at pagod na ako. Pero bakit ayaw ko pa ring tumigil sa pagpapakatanga?
I thought I was doing good sa pagmu-move on pero hindi pa pala ako tapos sa kabobohan ko. In fact, nag-level up pa nga yata ako. Mas itinodo ko pa ang katangahan ko. I made love with him while he was thinking of someone else. Heck, we almost had sex! What was I thinking?!
Sa totoo lang, hindi ko alam kung pa'no ko siya haharapin. What we did earlier has complicated our already complicated situation.
Around 4 AM, bumalik ako sa kwarto para gisingin siya. Kailangan ko na siyang pauwiin bago pa magising ang parents ko mamayang 5 AM. Pero naabutan ko siyang gising na, nakaupo sa kama at nakayuko. Nakapatong ang braso niya sa kanyang mga tuhod. He looked remorseful and disoriented. Narinig siguro niya ang pagbukas ng pinto kaya umangat ang ulo niya no'ng pumasok ako.
"Yo..." Based on his expression, I could already tell that he remembered what happened earlier. Sobrang lungkot niyang tingnan.
"Kailangan mo ng umuwi," I casually said. Sa kabila ng sakit, ayoko pa ring ipakita sa kanya na durog na durog na ako. Pride ko na lang ang natitira, kahit iyon man lang ay mai-save ko. "My parents can't see you here. They don't allow sleepovers in our house."
Tumayo siya at lumapit sa'kin. Hahawakan niya sana ang balikat ko but I gently pushed him away.
"I'm really sorry about what happened," he said sincerely. Remorse was written all over his face. Pero kahit gaano man siya ka-sincere, hindi sapat 'yon to take away the pain that I was feeling. Hindi lang ako nasaktan, nainsulto rin ako. Para niya akong sinuntok at tinadyakan sa ginawa niya.
"'Wag na lang nating pag-usapan," I coldly replied.
"Hindi ko 'yon sinasadya. I really am sorry. Sana mapag-usapan pa natin 'to."
"'Wag na, Pha...'wag na lang. Ayoko na rin namang pag-usapan 'yon. Yes, nasaktan ako. Pero iisipin ko na lang na kasalanan ko rin kung bakit ako nasaktan. You were drunk at hindi mo alam ang ginagawa mo. Hindi dapat ako nagpadala kasi ako ang mas may control sa sitwasyon. But instead, naging mahina ako. So no, you don't have to be sorry. It was mostly fault."
"No, no! Please don't say that. It wasn't your fault."
"Whether it was your fault or mine, it would be best kung kakalimutan na lang natin 'yon. As if nothing happened."
"But, Yo—"
"Walang magbabago kahit i-acknowledge pa natin ang nangyari. The truth remains intact na si Pring pa rin ang mahal mo at hindi mo pa rin masusuklian ang feelings ko."
He nodded slowly.
"Patawarin mo sana ako."
"I don't have to forgive you because from now on, wala ka na sa'kin. Kakalimutan ko ang lahat ng 'to. Hindi nangyari 'yon. Hindi tayo naghalikan at hindi ka nagpunta sa bahay namin ngayong gabi. Kakalimutan ko ang bawat detalye. I hope you do the same thing."
"I understand."
"Please go."
He stood up and walked away. Pinigilan ko ang sarili kong lingunin siya kahit gustung-gusto ko. Instead, mabilis kong sinara ang pinto at umiyak ng sobrang lakas. I hate how fucked-up our situation was. I hate him. And I hate myself even more.
BINABASA MO ANG
Maybe Love
FanfictionInspired from the bestselling novel and successful Thai TV series 2 Moons, Maybe Love is a story of love, hope, pain, forgiveness and second chances. ----- Matagal ng may gusto si Yo kay Pha, boyfriend ng bestfriend niya since childhood. He tried to...