XXVIII

4.1K 193 16
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT:

NOTHING ELSE MATTERS

***

YO'S
POINT OF VIEW

NATAMAAN na nga siguro kami ng ilang bote ng alak na ininom namin. Halos wala kasi kaming tigil sa pagtawa kahit minsan wala ng nakakatawa. Para na kaming mga baliw, but it felt good. Alam mo 'yong feeling na wala kang pakialam sa lahat? You're just enjoying the moment with someone who's very close to your heart.

   Halos hindi na rin namin napansin ang oras. Kung saan-saan na dumating ang usapan namin. Kung anu-anong topic kahit nonsense na ang iba. But we didn't mind. We were having so much fun.

   "Grabe ka, Pha! Ang laki ng bill natin!" reklamo ko pagkasakay namin sa kotse niya. It was already 11 PM. We were so wasted and I was pretty sure na hindi kami makakapasok sa school bukas.

   "Kulang pa nga 'yon, eh." Tumatawa niyang sagot.

   "Maliit lang 'yon sa'yo kasi ang yaman-yaman mo! Rich kid ka, eh."

   "Not my fault," he said smugly habang binubuhay ang makina ng kotse.

   "Sure kang kaya mong mag-drive? Lasing na lasing ka na."

   "Not as drunk as you are. Don't worry, kaya ko 'to."

   "Sinasabi ko sa'yo, Pha, 'pag nadisgrasya tayo, uupakan talaga kita."

   "Woah! Fierce!"

   "Oo nga. Hindi ako nagbibiro."

   "Hindi tayo madidisgrasya. Ako'ng bahala."

   "Ikaw ang bahala, ako ang kawawa, gano'n?"

   "Ako ang bahala. Period."

   I nodded. May tiwala naman ako sa kanya. Siguro naman hindi niya ako ipapahamak, 'di ba? Hindi kami pwedeng madisgrasya at mas lalong hindi ako pwedeng mamatay. Ang dami ko pa kayang pangarap sa buhay!

   "O, ba't mo pinatay ang makina?" nagtataka kong tanong sa kanya.

   "Saglit lang. Pahinga muna ako."

   "Hindi mawawala ang kalasingan mo sa saglit na pagpapahinga."

   "Basta."

   "Alam mo, mag-taxi na lang tayo. Let's not risk our lives."

   Lalabas na sana ako para kumuha ng taxi pero pinigilan niya ako. Natigilan ako nang maramdaman ang kamay niya na nakahawak rin sa kamay ko. Para akong nakuryente.

   "Yo..."

   "O, bakit?"

   "Don't you trust me?"

   "A-ano?"

   "Hindi naman kita ipapahamak, ah. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa'tin, lalung-lalo na sa'yo."

Maybe LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon