IV

458 21 7
                                    

Matapos malaman ni Mira ang kanyang tunay na katauhan at katauhan ng amang si Gabriel, ninais niyang mapalapit dito, at mas makasama ang kanyang ado.

Nagpaturo siya kung paano lumipad at makipaglaban sa himpapawid, na siya naman ikinatuwa ni Gabriel na ipakita sa anak na kay tagal niyang hindi nakasama "Ano man para sa iyo aking anak" masayang sabi ni Gabriel na niyakap ang anak.

"Avisala eshma ama" nakangiting sabi ni Mira, nang maghiwalay sila sa pagkakayakap, ipinosisyon ni Gabriel si Mira at sinabing iladlad nito ang kanyang mga pakpak.

Hindi nila batid na sa kanilang pagsasanay sa gitna ng kagubatan, ay nandoon din pala si Pirena na pinapanood ang kanyang mag-ama. Nakatayo lamang siya sa likod ng isang malaking puno di kalayuan sa dalawa. Bitbit niya ang paneya na ipinagawa niya para sa mga ito, at syempre ang inumin.

"Kung ganito lamang sana ang ating naging buhay." Wika ni Pirena na pinagmamasdan ang mababang paglipad ni Mira, na medyo nalalaglag pa.

*

*

*

Kinabukasan buhat noong siya ay makipag-inuman kay Sanggre Pirena, hinanap ni Gabriel ang sanggre. Kanya itong nakitang kausap si Hagorn, at tila nakagayak itong pang-alis. Ngunit ang mas pumukaw sa kanyang pansin ay ang pagliwanag ng palad ni Pirena.

Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin noon kaya umalis nalamang siya upang maghanap ng mapagtatanungan. Habang siya ay kumakain noon sa hapag, kanyang nakitang dumating si Agane.

Doon niya naikwento ang kanyang nasaksihan "Nakita ko si pirena at hagorn kanina na magkausap, at waring nagulantang si Hagorn sa pagliwanag ng palad ni Pirena.... Ano ang ibig sabihin ng paglabas ng simbolo sa palad ng mga diwata?" pagtatanong niya sa mashna.

Tinitigan ni Agane ang ravena "Hindi ba dapat ang digmaan ang iyong iniisip prinsipe Gabriel? At hindi ang ibang bagay" wika ni Agane na tinignan ng tuwid si Gabriel.

"Hindi ko alam na masama pa ang magtanong dito sa encantadia" sagot naman ng ravena.

"At masama rin ang makinig sa usapan ng iba" pagtatanggol ni Agane sa kanyang pananaw "Patawad Prinsipe Gabriel ngunit hindi ko masasagot ang iyong katanungan. At kung maari wag mo nang subukan itanong sa iba kung ayaw mong mapahamak" wika ni Agane.

"Pinagbabantaan mo ba ako Mashna?"

"Hindi prinsipe. Binabalaan lamang kita sa maaring mangyari kapag may nakaalam sa iyong nasaksihan" matapos bangitin iyon ni Agane ay umalis na siya, kaya naman naiwang mag-isa si Gabriel sa hapag.

Dahil sa hindi pagsagot ni Agane sa kanyang tanong, ay naghanap pa ng ibang pagtatanungan si Gabriel, ngunit sa pagkakataong ito ay iniba niya ang istorya. Na siya ay naglalakad sa gubat at nakakita ng isang encantadang nagliliwanag ang palad.

Sa sumunod niyang pinagtanungan isang hathor na napansin niyang mahilig magbasa, ito na ang kanyang sinabi. Sinigurado muna niya na walang ibang nakakita sa pagkausap niya sa encantado, nang sa gayon ay hindi sila mapahamak pareho.

"Maaring isang diwata ang iyong nakita Ravena" paliwanag ng hathor "at siya ay nagdadalang diwata" pagpapatuloy nito. Inulit naman ni Gabriel ang huling sinabi nito "oo, kung sa inyong mundo, ang tawag dito ay buntis.. kung hindi ako nagkakamali."

Nang maintindihan na ni Gabriel ang ibig sabihin ng hathor, ito ay kanya nang pinasalamatan at siya naman pinaalis na. Hindi niya alam kung bakit tila nalungkot siya sa tinuran ng hathor.

Alipuyo: A GabRena short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon