V

366 20 4
                                    


Mahabang panahon na ang lumipas buhat noong huling magkita si Gabriel at Pirena. Kung nagbabalik man ito sa encantadia, si Mira lamang ang nakakatagpo nito. Hindi narin nagtangka pa magtanong si Pirena paukol sa Ravena, ang lagi nalamang niya tinatanong kay Mira ay kung ano ang kanilang ginawang mag-ama. hindi narin niya alam kung paano niya nagagawang pakinggan ang mga kwento ni Mira nang hindi siya nasasaktan.

Lagi nanunumbalik sa kanyang alaala ang huling beses na sila ay nag-usap ni Gabriel, nang itinulak niya ito palayo sa kanya. Masakit man alam niya ito ang dapat niyang gawin bago pa man sila makagawa ng mga bagay na makakasakit na sa iba.

Sa mga panahon na lumipas, pinagtuunan nalamang ni Pirena ang Hathoria, at ang kanyang anak. Nakahanap siya ng isang encantasyon para kay mira, kung saan hindi mawawala ang ala-ala niya sa tuwing tatagalin nito ang kanyang ugatpak. Sa tulong ni Cassiopeia, naisagawa nila ng maayos ang encantasyon at ngayon nagkakaroon nalamang ng pakpak ni Mira kapag naisin at kailanganin niya.

Kasabay din ng pagbabago ng panahon, ay ang pagbabalik ng mga etherian sa encantadia. Kaya naman nagkaroon muli ng gulo sa buong lupain at kinailangan ng bagong mangangalaga sa mga brilyante, ang mga susunod na tagapangalaga. Maswerte na napasama at pinili ng mga brilyante si Mira at Lira, kaya sila nagsanay sa isla ni Cassiopeia.

Ngunit isang masamang pangyayari ang naganap, pinaslang ng mga mashna ni Avria, hara ng Etheria ang kanyang anak at hadia. Malagim ang naging digmaan dahil sa naganap, lalo na at napuno ng galit ang puso ni Pirena.

Sa gitna ng pagluluksa nais ni Pirena na makasama kahit isang beses man lang si Gabriel, kung kaya't ipinadala niya sa isa niyang alagad ang balita upang makarating ito kay Gabriel. Ngunit kinuha na ng mga retre ang katawan nila Mira, at ibinalik dahil sa pagsasara ng devas, ay hindi man lamang nagparamdam si Gabriel.

"Marahil nga ay tuluyan na niya akong kinalimutan" yun nalamang ang sinabi ni Pirena sa kanyang sarili "Marahil nga ay itinadhana akong mag-isa" isinubsob niya ang mukha sa kanyang unan at nagpatuloy sa pag-iyak.

Halos gabi-gabi narin siyang umiiyak, buhat nang mamatay si Mira, pakiramdam niya ay mag-isa nalamang siya; nagpahayag siya ng digmaan laban sa etheria, ngunit hindi siya sinamahan ng mga kapatid, kaya eto siya muli, nag-iisa.

Iyak lamang siya ng iyak sa pangungulila sa anak, siguro nga ay nakasanayan na niyang umiyak bago matulog, at para bang hindi na naubos ang luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Katulad ng mga gabing nagdaan nakatulog na naman si Pirena nang lumuluha, at nag-iisa.

*

*

*

Nagising si Gabriel sa kalagitnaan ng gabi. Tahimik at tulog na ang lahat sa Halconia ng mga oras na iyon kaya siya lumabas upang makapagpahangin. Sa pagtingin niya sa mga bituin sa langit, kanyang naalala si Pirena "Sana ay maayos at Masaya ka" wika ni Gabriel, na walang kaalam-alam sa naganap sa kanyang mag-ina.

Matagal-tagal narin buhat nang makatanggap siya ng balita mula kay Mira, kaya naman siya ay nagtataka na "Ano naman ang sasabihin mo sakaling bumalik ka doon? Anong ihaharap mong mukha sa kanya?" sermon niya sa sarili.

Hanggang ngayon, pinagsisisihan parin niya na pumayag siya sa nais ni Pirena, sa nais nitong tapusin ang lahat ng namamagitan sa kanya. Alam niya sa sarili niya na hindi siya Masaya sa piling ni Rashna, kung hindi lamang talaga dahil kila Wak at Tak malamang ay matagal na siyang bumitiw sa pagiging hari at mas piniling manatili sa Encantadia.

Ngunit hindi, nandito siya Halconia, nakaupo bilang Hari at ama sa kanyang anak "Sana ay ikaw ang aking kasama" wika niya habang nakatingin sa mga bituin.

Alipuyo: A GabRena short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon