II

487 26 13
                                    

"Nagbalik na ba si Pirena?" tanong ni Alena sa apwe. Kadarating lamang niya sa kanyang tanggapan mula sa silid kanilang ng hadia, na kasalukuyang namamahinga. Iling lamang ang naging sagot ng bunsong sanggre sa kapatid.

"Kung tama man ang ating hinala, batid mong matatagalan bago makabalik si Pirena" wika ni Danaya sa kapatid hara.

"Sa tingin mo ay tama ang ating hinila?" tanong ni Alena sa kapatid.

"hindi ko rin alam Alena"

"Paano kung isa ngang taong ibon ang ama ni Mira? Ito ang unang beses na magkakaroon ng isang sanggre na kalahating encantado at kalahating taong ibon"

"Naiintindihan ko ang iyong ibig sabihin alena" tumingin si Danaya sa kapatid na hara "Hindi natin alam kung anong kakayahan mayroon ang isang kalahating diwata at kalating mulawin, kung mulawin man ang ama ni Mira"

"Sana nga lang ay hindi ito ikapahamak ng ating hadia" wika nalamang ni Alena.

*

*

*

Pinagmamasdan lamang ni Gabriel ang diwatang kaharap, sa isip-isip ay baka nagbibiro lamang ito. Paano sila magkakaroon ng anak, kung ang pinakamalapit na nangyari sa kanila ay nang makatulog silang magkatabi.

"Imposible ang iyong sinasabi... kalianman ay hindi pa nagkakaroon ng anak ang isang ravena at diwata" hindi makapaniwalang sambit ni Gabriel.

"Totoo ang aking sinasabi Gabriel" lumapit si Pirena at hinawakan ang kamay ng ravena "naalala mo baa noong huli tayong nagkasama? Bago ang digmaan iyon"

Tinitigan maigi ni Gabriel ang mga mata ng hara at kitang-kita niya na totoo ang sinasabi nito. Kaya pilit niyang inalala ang mga naganap noong gabing iyon.



Gabi bago ang digmaan, nagkaroon ng kaunting kasiyahan ang mga hathor na kanyang dinaluhan. May mga kainan, inuman at mga sayawan ang nagaganap sa paligid. Ngunit sa paglilibot ng kanyang mata, hindi niya makita ang sanggre ng apoy.

Kaya tumayo siya mula sa kumpol ng mga kalalakihan na nanonood sa pagsayaw ng mga magagandang encantadang galing sa ascano. Kumuha siya ng dalawang baso at ng alak, isa sa kanya at isa para sa sanggre.

Naglakad-lakad siya, sumisilip sa bawat kwarto na madaanan, ngunit wala si Pirena. Kaya nagpatuloy lamang siya sa paglalakad, at sa dulong silid sa pasilyong iyon, kanyang nakita ang sanggre na nakaupo at nagbabasa ng mga kalatas.

Nakatalikod si Pirena sa pintuan kaya't hindi niya napansin na pumasok si Gabriel lalo na't masyado napukaw ng kanyang binabasa ang kanyang atensyon. "Tama pala ang aking narinig" nagulat nalamang siya nang magsalita ang ravena na ngayon ay malapit na sa kanya

"Pashneya! Gabriel!" nasabi nalamang ni Pirena nang hindi nag-iisip. Tinignan niya si Gabriel at halatang nagulat ito sa kanyang sinabi "Poltre, sa aking nasabi" sabi ni Pirena nang siya'y mahimasmasan.

"Ayos lamang iyon mahal na sanggre, ako ang nangulat" natatawang sabi ng ravena sa kausap.

"At anong nakakatawa?" tumayo si Pirena at hinarap si Gabriel.

"Ang iyong mukha" sa nakita niyang reaksyon sa mukha ni Pirena ay pakiramdam ni Gabriel na mali ang kanyang sinabi. Totoo nga na hindi marunong magbiro ang sanggre na ito "ang ibig kong sabihin... nakakatuwa kang makitang naiinis, kitang-kita parin ang iyong kagandahan"

Sa narinig, ay bahagyang napaurong si Pirena at tumingin kay Gabriel na para bang hindi nito alam ang kanyang sinasabi.

Ngunit para kay Gabriel, ang tanging nakikita niya ay ang pamumula ng pisngi ng sanggre matapos niyang sabihin na maganda ito. Sa isip-isip niya ay tuwang-tuwa siya na tinititigan si Pirena, na halos maging kasing pula ng apoy ang pisngi nito.

Alipuyo: A GabRena short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon