Lumipad-lipad si Rashana, sa encantadia, hinahanap ang Hathoria, dahil batid niyang doon pupunta si Gabriel. Mula sa malayo nakita niya ang isang maliwanag na palasyo, kaya pansamantala siyang lumapag sa isang puno upang magmanman sa paligid.
Kanyang napansin ang mga kawal na naglilibot na purong naka asul, "marahil ito ang Lireo" wika ni Rashana nang makita ang isang watawat na may simbolo ng mga diwata "Sadya pala talaga kaakit-akit ang kaharian ng mga diwata" wika niya, at siya ay umalis na.
Sa kanyang nakitang laki at ganda ng lireo, naintindihan na niya kung bakit ito ang laging nais masakop ng mga kalaban. Marahil nga ay mas maganda ang yamang itinatago ng kaharian ng mga diwata kaysa sa ibang kaharian narito sa Encantadia.
Patuloy lamang siya sa paglipad nang muli siyang makakita ng isang palasyong nakatayo sa isang bundok. Pinagmasdan niya ang mga watawat na nakasabit; kanyang napansin ang isang dragon na nakaukit dito "Ito na siguro ang Hathoria" wika niya at siya ay nagpatuloy sa paglapit sa kaharian ng mga hathor. Naghanap siya ng maaring pasukan, isang bukas na bintana or maari din naman sa isa sa mga azotea nito.
Lumilipad siya papalapit sa isa sa mga Azotea nito nang marinig niya ang boses ni Gabriel, kaya binilisan niya ang pagpunta sa nasabing Azotea. Nang siya ay makalapag, sinilip niya ang loob ng silid at nakitang nakatalikod si Gabriel gayon narin ang babaeng kausap nito.
Sinamantala ito ni Rashana upang makapasok sa silid at magtago sa likod ng isa sa mga malalaking haligi doon; nakinig lamang siya sa usapan ng dalawa na sa itsura ay kasisimula lamang.
*
*
*
Sa kanyang tanggapan dinala ni Pirena si Gabriel upang doon sila mag-usap. Pagkapasok nila ay tumalikod siya dito upang ipaghanda ng maiinom, "Ang laki na ng iginanda ng iyong palasyo Pirena" narinig niyang sabi ng ravena.
Nakarinig siya ng kaluskos sa likod niya kaya kaagad siya lumingon, laking gulat nalamang niya na kay lapit na ni Gabriel sa kanya "uhm..." humakbang palayo si Pirena sa Ravena "nais mo ba ng maiinom?" pag-alok niya sa hawak na baso.
"Salamat" inabot ni Gabriel ang inumin na hawak ni Pirena, at sabay nito ay hinawakan niya ang kamay ng sanggre na nakahawak din sa baso. Nakangiti lamang si Gabriel sa sanggre na kanyang katitigan, ngunit nakikita niya sa mukha nito na naiilang siya sa ginawa ng ravena.
Binawi ni Pirena ang kanyang kamay at naglakad palagpas kay Gabriel "Ano ang dahilan ng iyong pagbisita?" tanong ni Pirena sa Ravena na nakatayo sa kanyang likuran.
"Ikaw" hindi hinarap ni Pirena si Gabriel, bagkus ay nilingon niya lang ito "Si mira... lubos akong nanabik na makita kayong dalawa" palapit ng palapit si Gabriel kay Pirena, nais niya sana itong yakapin mula sa likod ngunit nang magsalita si Pirena ay napatigil siya.
"Bakit ngayon lang Gabriel? Bakit ngayon ka lang nagbalik?" tanong ng hara na humarap sa ravenang kausap.
"Patawarin mo ko kung inuna ko ang aking sarili, na kinailangan pang tumigil ang pagtanggap ko ng mga liham upang ako ay bumalik dito" tinitigan lamang niya si Pirena na halatang pinipigil ang mga luha " patawarin mo ko kung ngayon ko lamang natuklasan ang ginawang pagharang ni Rashana sa mga sulat na ipinadala ni Mira... at sa sulat na iyong ginawa"
"Hinarang ni Rashana ang mga sulat?" doon tuluyan nang pumatak ang luha ni Pirena. Sa tagal ng panahon na iyon buhat nang ipadala niya ang sulat kay Gabriel, nagalit siya, napuno ng poot sa hindi pagdamay nito sa pagkawala ng kanilang anak.
"Oo, kanina ko lamang nalaman. Ngunit sabi niya sa akin ay pumanawa si Mira, na alam ko nang hindi totoo sapagkat kausap ko lamang si Mira kanina hindi ba?"
BINABASA MO ANG
Alipuyo: A GabRena short Story
FanfictionGabRena or Gabriel x Pirena Isang fanfiction na ginawa dahil sa hindi maipagkakailang chemistry ni Pirena at Gabriel sa MVR. Ito ay isa lamang short story na hindi lalagpas sa 10 kabanata. Ang istorya ay iikot sa panahon kung saan Hara na si Piren...