Sa dami ng kanyang ginawa sa Hathoria buong araw, nagpasya si Pirena na maglakad-lakad sa labas ng palasyo. Malayo-layo narin siya sa Hathoria at kasalukuyang nasa gitna ng kagubatan, hinahayaan niya lamang sumayad sa mga tuyot na dahon ang kanyang mahabang damit at balabal.
Nakakita siya ng isang natumbang puno malapit sa isang batis at doon siya pansamantalang nag pahinga, tumingala at pinagmasdang ang maliliwanag na buwan ng Encantadia habang humihiling ng buong puso.
"Ibang mundo man ang iyong ginagalawan, dalangin ko lamang ang iyong kaligtasan at kasiyahan" sabi niya kausap ang buwan. Ngumiti nalamang si Pirena nang malambing at pumikit.
Sa kanyang pagpikit nakaramdam siya ng bugso ng hangin na minsan na niyang dumapo sa kanyang balat, ang hangin na ang ibig sabihin lamang ay ang kanyang pagdating.
Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, at hindi nga siya nagkamali, tunay ngang nandito ang nilalang na nais niyang makasama "Gabriel".
Napatayo si Pirena sa kanyang kinauupuan kaya nagsimula nang lumapit sa kanya si Gabriel "hindi ko na kayang tiisin pa ang aking pagkasabik sa iyo" niyakap nila ang isa't-isa nang makalapit na ang ravena sa kanya.
"Maging ako mahal kong hari" malambing na sabi ni Pirena na sinusulit ang pagyakap sa ravenang kay tagal niya ninais na makasama.
Bumitiw ang dalawa sa kanilang yakapan at nagpasyang maglakad-lakad. "Kay tagal na buhat nang tayo'y huling magkita" ipinulupot ni Gabriel ang kanyang kaliwang braso sa beywang ng hara "Hindi ko na alam paano ko pa haharapin si Rashana nang hindi ikaw ang aking nakikita"
"Ito ang pinili natin tahakin Gabriel" malungkot na wika ng sanggre "Kailangan natin ito panindigan"
Tumigil ang Ravena sa paglalakad at hinarap si Pirena "Mahal kong sanggre" tumingin sa kanya si Pirena, na siyang hinawakan niya sa kamay "Batid kong magkaiba tayo ng lahi, isa akong taong ibon at ikaw ay isang napakagandang diwata. At kung maibabalik ko lamang ang panahon, mas pipiliin kong maging ordinaryong tao nalamang na maari mong makasama dito sa inyong mundo."
"Gabriel" inalis ni Pirena ang kamay niya sa pagkakahawak ng ravena at marahang inipit ang mukha ni Gabriel "Noon pa man ay nakita na natin iyang sagot para sa ating problema. Ngunit hindi natin ito pinili, hindi mo nais iwanan ang halconia, at hindi ko nais iwanan ang Hathoria. Pareho natin inuna ang ating tungkulin sa ating nasasakupan, kaysa sa tungkulin sa ating puso."
Nagsimula nang lumuha si Pirena nang maalala niya ang lahat ng kanilang pinagdaanan ni Gabriel. Ang nagsimula sa isang digmaan lihim sa karamihan, noong panahon na kalaban pa siya ng kanyang mga apwe, at kakampi ng amang si Hagorn- ang digmaang ng dalawang lahi.
Dahil sa labis na galit noon ni pirena, kanyang binuhay si Ravenum na siyang pinakamagiting na pinuno ng mga Ravena. Sa pagbabalik ng buhay ni Ravenum, ay siya naman adisyon nila sa pwersa ng mga Hathor.
Ikinatuwa ito ni Hagorn, ngunit hindi ng mga diwata't mulawin; na tulad nila ay nagsanib pwersa narin para labanan ang Hathoria at Halconia.
Tinganggap ni Hagorn sa Hathoria ang prinsipe ng mga ravena, na dumating upang pag-usapan ang magaganap na digmaan. Doon nito nakilala ang sanggre ng apoy.
"Pirena" pagtawag ni Hagorn sa sanggre "Nais kong ipakilala sa iyo ang anak ni Ravenum. Si Gabriel"
Lumingon si Gabriel at kanyang nakita si Pirena na papasok sa bulwagan ng Hathoria, at hindi niya maitatanggi na ubod ng ganda ng diwatang kaharap.
BINABASA MO ANG
Alipuyo: A GabRena short Story
Hayran KurguGabRena or Gabriel x Pirena Isang fanfiction na ginawa dahil sa hindi maipagkakailang chemistry ni Pirena at Gabriel sa MVR. Ito ay isa lamang short story na hindi lalagpas sa 10 kabanata. Ang istorya ay iikot sa panahon kung saan Hara na si Piren...