Mabilis na nagtungo si Danaya at Alena sa silid ni Mira nang marinig ang malakas na sigaw nito. Pagpasok nila sa silid ng hadia, at nakita nilang nakatayo na si Lira sa tabi ng pinsan at pinipilit ibsan ang sakit na nadarama ni Mira.
"Bes..." naiyak na sabi ni Lira, hindi na niya mapigilan ang kanyang mga luha dahil wala siyang magawa upang mabawasan man lang ang sakit na nadarama ng pinsan.
Patuloy lang sa pag-iyak dahil sa sakit si Mira, kaya gumawa na ng aksyon si Danaya. Inilabas niya ang kanyang brilyante "brilyante ng lupa, inuutusan kita, itago ang sakit na naradama ni Mira, nang sa gayon hindi niya ito madama." wika ng hara.
Sumunod naman si Alena na naglabas narin ng brilyante "Aking brilyante, isailalim mo pansamantala si Mira sa isang malalim na pagtulog, kung saan magigising lamang siya kapag dumating na ang takdang panahon. Pansamantala mo siyang bigyan ng isang magandang panaginip na kasing linaw ng tubig." utos ni Alena sa kanyang brilyante.
Sinunod sila ng mga brilyante, at hindi nagtagal ay nakatulog nga ang kanilang hadia. Nagtatakang tumingin naman si Lira sa kanyang mga ashti.
"Bakit niyo ginawa iyon?" tanong nito kaya naman napatingin sa kanya ang ashti alena at ashti hara niya "Bakit imbis na pagalingin niyo agad si Mira, pinatulog niyo lang?" nagkatinginan ang dalawang sanggre.
"Iwanan niyo muna kami" utos ni Hara danaya sa mga dama, babaylan at kawal na nasa silid.
Hindi nagsalita ang mga sanggre hangga't sa hindi nakakalabas ang lahat at nasisiguradong wala nang ibang makakarinig sa kanila.
"wala na sila ashti... ano ba talagang nangyayari?" tanong ulit ni Lira "isali niyo naman ako oh!"
"Hindi kayang pagalingin ng brilyante si Mira, Lira" wika ni Danaya kaya naman napanganga nalang si Lira at nagtanong kung bakit "Sapagkat parte ito ng kanyang pagkadiwata lira. Hindi natin ito mapipigilan"
"Hindi ko maintindihan ashti" wika ni Lira. Lumapit naman si Alena sa natutulog na hadia at tinignan ang likod nito. Kanyang ibinuka ang damit na suot nito, at nakita ang paglaki ng bukol sa likod ni Mira.
"Danaya, tignan mo ito" pagtawag niya sa kanyang apwe "Lumalala ang kondisyon ni Mira" buong pag-aalala niya sa hadia.
"teka teka ashti! Ano ba talagang nangyayari kay mira?"
"Lira..." hinawakan ni Alena ang kamay ni lira "sa aming palagay ay kaya nagkakaganito si Mira sapagkat lumalabas na ang kanyang pakpak"
"Pakpak? Wait ano?!" gulong-gulo tanong ni Lira "joke ba yan ashti.. ikaw ha" nakangiting sabi ni lira.
"Hindi aming hadia. Ang nangyayaring ito kay Mira ay minsan ko nang nabasa sa mga kalatas dito sa Lireo; maaring si Mira ay kalahating diwata at kalahating mulawin" paliwanag ni Hara danaya
"Mulawin? As in taong ibon?"
"Oo Lira. Kung sakali man tama ang aming hinala, si Mira ang kauna-unahan anak ng isang diwata at mulawin na nabuhay sa ating mundo" paliwanag ni Alena.
Tumabi si Lira sa tabi ng pinsan "Bessy magiging okay din ang lahat.. tiwala lang" at niyakap ang natutulog na pinsan.
*
*
*
"Bakit nagkakaganoon si Mira? Gayon tinanggal ko ang kanyang ugatpak" tanong ni Pirena kay Gabriel.
"Kailan mo ito ginawa?" sinabi ni Pirena na nangyari ito noong pitong taon si Mira "Maaring hindi mo buong naputol ang ugatpak ni Mira, kaya sa kanyang pagtanda ay lumalaki din ang kanyang pakpak"
BINABASA MO ANG
Alipuyo: A GabRena short Story
FanfictionGabRena or Gabriel x Pirena Isang fanfiction na ginawa dahil sa hindi maipagkakailang chemistry ni Pirena at Gabriel sa MVR. Ito ay isa lamang short story na hindi lalagpas sa 10 kabanata. Ang istorya ay iikot sa panahon kung saan Hara na si Piren...