Ilang taon na ang lumipas buhat ng gabing iyon. Mula noon sinabi ni Gabriel kay Pirena na kaya niya iwan ang lahat para sa kanya. Isang gabing may nanatili at nawala sa buhay niya.
Nanatili siya sa piling ni Rashana dahil yun ang tama, Yun ang nararapat, at dahil iyon ang nais ni Pirena.
Alam ni Gabriel na noon oras na yon totoo ang kanyang sinasabi, totong kaya niya iwan ang lahat para kay Pirena. Pero pinili ng sanggre na gawin ang tama, mas pinili niyang tapusin ang lahat.
Hindi rin naman masisi ni Gabriel si Pirena, sapagkat siya itong lumayo upang limutin si Alwina, ngunit sa pag-alis niya sa kanyang ugatpak, lalo lamang siyang nabaon kay Alwina, at sila ay nakaroon pa ng anak.
Tapos na sana ang kanyang problema kung hindi lang siya nagpadala sa galit noon nang sabihin muli ni Alwina na si Aguiluz parin ang mahal nito. Hindi sana siya nagpakasal kay Rashana, Kung nag-isip lamang siya, Sana ay matagal na silang magkasama ni Pirena nang walang nasasaktan, walang humadlang.
Pinanood niya ang kasal ni Pirena, ngunit hindi ito alam ng sanggre, o maging ni Mira. Nanonood lamang siya mula sa malayo, pinanood niya na ipinapangako ni Pirena ang sarili sa iba; na itinatali nito ang puso, Buhay at buong pagkatao kay Azulan.
*
Sa dalampasigan ng Lireo gaganapin ang kasal nila Pirena, kasabay ng kasal ni Danaya. Hindi pa man simula ang pagdiriwang, ay naandoon na siya, nagmamatiyag mula sa malayo. Pilit niyang tinanaw si Pirena, ngunit hindi niya pa ito nakikita, kaya siya ay lumipad patungo sa Lireo, upang tignan kung naadoon nga ang hara ng hathoria.
Hindi siya nagkamali, sapagkat sa loob ng isang silid sa silangang moog ng Lireo, naandoon ang kanyang reyna. Sinilip niya ito mula sa bintana, "kay ganda mo mahal ko" iyon nalamang ang nasabi ni Gabriel habang pinagmamasdan si Pirena.
Nais man niya lumapit, ay hindi niya magawa sapagkat naandoon ang kapatid nitong si Danaya at ang kasalukuyang hara ng Lireo na si Alena.
"Kay saya ko para sa inyo aking mga apwe" wika ni Alena na nakatayo sa likod ng dalawang kapatid na inaayusan ng mga dama para sa kanilang kasal.
"Avisala eshma kapatid naming hara" wika ni Pirena.
"Hindi ko lubos akalain na sasang-ayon ka sa alok na kasal ni Azulan" natatawang wika ni Danaya kay Pirena.
"Maging ako man ay nagulat nang umoo ako sa alok niyang kasal" nakangiting sambit ni Pirena.
"Sigurado ka na ba apwe?" tanong muli Danaya sa kapatid "Sigurado ka na ba kay Azulan?"
Napatingin si Pirena sa kanyang mga kapatid, alam niya kung ano ang ibig ipahiwatig ng mga ito kaya pinalabas niya muna ang mga dama. Hindi siya kaagad nagsalita habang hindi pa nakakalabas ang mga dama sa kanilang silid.
"Pirena, kapag nakipag-isang dibdib ka kay Azulan, wala nang makakapaghiwalay sa inyo, liban sa kamatayan" sabi ni Alena.
"Alam ko" seryosong sagot ni Pirena na inaayos ang sarili sa harap ng salamin "kapag tumayo ako sa altar na iyon mamaya, hindi na ako maaring umurong pa."
"Paano si Gabriel?" tanong ni Danaya na itinigil na ang pag-aayos sa sarili at humarap sa panganay na kapatid.
Ganoon narin ang ginawa ni Pirena, tumigil sa pag-aayos at humarap ng upo sa mga kapatid "May asawa at mga anak si Gabriel. Hindi naman siguro tama na habambuhay nalamang ako maghintay sa panahon kung saan maari nang maging kaming dalawa. Aaminin ko, hanggang sa mga sandaling ito umaasa ako, pero hanggang kailan? Hanggang kailan ko pipigilan ang sarili kong maging Masaya sa piling ng iba?
BINABASA MO ANG
Alipuyo: A GabRena short Story
Fiksi PenggemarGabRena or Gabriel x Pirena Isang fanfiction na ginawa dahil sa hindi maipagkakailang chemistry ni Pirena at Gabriel sa MVR. Ito ay isa lamang short story na hindi lalagpas sa 10 kabanata. Ang istorya ay iikot sa panahon kung saan Hara na si Piren...