VIII

586 34 34
                                    

this is the longest chapter... with over 3000+ words....

but this is also the last one for this story... so i hope you like it.

avisala eshma sa pagbabasa! E correi Diu !



Maagang nagising si Lira, "Yes! Ang aga! Mukhang maunahan ko ata si Ashti! For the first time in-" hindi na niya tinapos ang sinasabi nang mapatingin sa higaan ng kanyang ashti Pirena. Kanyang napagtanto na wala na dito ang sanggre "Sabi ko nga, late na ko gumising. Kahit wala pang araw" napakamot nalamng sa ulo si Lira.

Matapos niya isuot ang kalasag, ay lumabas na siya sa kanilang silid at nagdesisyon na hanapin si Pirena at makapagpahangin narin. Bagamat wala pang araw, hindi parin mapigilan ni Lira na kumuha ng mga selfies para ipakita sa kanyang ado at pinsan na si Mira.

"infairness, kahit low light ganda ko parin!" sabi ni Lira sa sarili habang tinitignan ang mga litrato na kanyang kinuhanan. Nilakihan niya ang isang litrato nang makita ang isang pamilyar na mukha "Teka kilala ko to!" tinitigan lang ni Lira ang mukha na nahagip niya sa kanyang selfie "Si kuya Gabriel!"

Nilingon niya ang paligid at hinanap kung nasaan ang ravena. Tinignan muli niya ang litrato upang alamin kung saan dereksyon huling nakita si Gabriel, at nang malaman ito ni Lira, kaagad niya tinahak ang dereksyon na iyon para sundan ang ravena.

"Emre! Mukhang may pa- ship kayo dito sa Avila ha!" kinikilig na sabi ni Lira na nakantingala sa langit "Don't worry bessy! Magtatagpuin ko ang parents mo!" at siya ay nanakbo para sundan si Gabriel. Naikuwento na ni Mira noon pa man sa pinsan ang mga istroya paukol sa kanyang mga magulang. Kung paano nila mahalin ang isa't-isa kahit na magkaibang mundo pa ang kanilang kinabibilangan.

Ang romantic, yan ang sabi ni Lira nang matapos si Mira sa pagkukuwento ng mga naganap sa kanyang magulang. Ikinuwento ni Gabriel sa anak kung paano sila nagkakilala at paano siya umamin kay Pirena noon. Noong panahon na ninais na niya kalimutan si Alwina para kay Pirena.

*

*

*

Sa kasagsagan nang digmaan na kanilang pinagsamahan, lubos na nasugatan si Gabriel. Sinubukan niyang lumipad noon palayo sa digmaan ngunit hindi na niya kinayang lumipad kaya siya ay bumagsak sa kalagitnaan ng gubat at nawalan ng malay.

Nakita siya ni Pirena na bumagsak kaya kaagad nagtungo ang sanggre upang daluhan ang prinsipe ng mga ravena. "Gabriel!" paulit-ulit na sigaw ni Pirena habang hinahanap kung saan bumagsak ang ravena. Hindi nagtagal ang kanyang paghahanap sapagkat nakita niya itong nakahandusay sa lupa, at walang malay. Kaagad siyang tumakbo patungo sa tabi nito at marahang hinawakan ang mukha nito "Gabriel!" pagtawag niya muli dito, ngunit hindi ito nagising.

Pinakiramdaman ng sanggre ang hininga ng prinsipe, at doon nalaman niyang buhay pa ang ravena nang maramdaman din niya ang pulso nito. "Pirena lumabas ka!" galit na sigaw ni danaya na malamang ay sinundan siya.

"Tanakreshna!" patayo na sana si Pirena upang kalabanin si Danaya at iwan si Gabriel, ngunit nang tumingin siya muli sa prinsipe, hindi niya naatim na iwan ito ng ganoon ang kalagayan. "Pashneya!" muli siyang lumuhod sa tabi ni Gabriel at hinawakan ito sa balikat upang isabay sa pag-eevictus.

Sila ay lumitaw sa loob ng wasak na kaharian ng sapiro. Ito ang mas malapit na pwede nila pagtaguan kaysa sa Hathoria, "bakit kasi ang lampa mo" naiinis na sabi ni Pirena kay Gabriel, hinawakan niya muli ang pisngi ng ravena at sinabing "dito ka muna, hahanap muna ako ng lunas para sa iyong mga sugat".

Alipuyo: A GabRena short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon