Night 5

11 7 0
                                    

Hindi ako pumasok ngayon. Mag-aayos kasi muna ako dito sa bahay, kahit ayokong umalis dito ay kailangan. He has been weird lately. Sir Carl. He's been weird, since last week. And I need to know something, I have a hunch that I need to know something about him.

Pagkatapos kasing umalis kahapon ni sir Carl ay pinuntahan at hinanap ko agad si Ms. Sanchez para tanggapin ang offer niya. Akala ko nga hindi na available ang inooffer nila, buti naman at pwede pa.

Binalot ko ang mga vase sa plastic na may mga maliliit na lobo at ilinagay sa loob ng karton. Andaming mga mababasagin, baka gabi ako nito makalipat sa school. Kailangan ko pang hanapin ang padlock ng gate, nakalimutan ko kasi kung saan ko yun linagay kanina. Tapos yung susi pa nung main door ng bahay, haist! Masyado na akong makakalimutin!

San ko ba kasi yun linagay?

Napakamot ako sa batok ko at luminga-linga sa paligid. Ang kalat ng sala, yung sofa namin ay nababalot ng puting tela, binalot ko kasi, yung mababasagin naming coffee table ay nababalutan din ng puting tela. Yung flat screen tv namin ay nababalot din, but this time pulang tela na ang binalot ko, wala na kasing puting tela eh kaya pula na lang. Nagkalat naman sa sahig ng bahay ay yung mga plastic na may maliliit na lobo at mga karton na hindi pa nalalagyan ng iba pang gamit. Haist! Yung mga picture frame dadalhin ko na lang din siguro, wala naman daw kasi akong ka-roommate kaya okay lang na dalhin ko daw lahat ng gamit ko sa dorm.

Yung malaking glass aparador namin hindi ko pa natatakpan, mamaya na lang siguro since hindi ko pa naliligpit yung mga nasa loob ng aparador na yun. Hay naku, buti na lang talaga at hindi ko naisipang buksan ang pintuan namin, baka kasi may makapasok manakawan pa kami. Dadalhin ko pa 'tong mga karton sa basement. Haist! Andaming gagawin!

Kung nandito lang kasi si daddy, hindi na sana kailangan pang iligpit ang mga gamit at lumipat ako sa school since may kasama naman ako dito sa bahay. Pero hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang lead ang mga pulis. Masyado na silang busy ngayon dahil andaming nawawalang mga kaschoolmates ko, pati hindi na rin nila ako inuupdate tungkol sa paghahanap nila kay daddy. Wednesday ngayon, every Wednesday silang tumatawag sa landline namin para ipaalam sa akin kung improving ba ang paghahanap nila. Pero lumipas na ata ang ilang oras ay wala pa ring tumatawag sa landline namin. Tsk!

Mga pulis talaga! Yung ibang mga kaschoolmates ko tuloy na 'Missing In Action' nahanap agad nila, palibhasa kasi karamihan sa mga nawawalang estudyante sa school ay mga mayayaman. Kapag pera nga naman ang nakikipagusap sa mga pulis, siguradong mahahanap nila ang pinapahanap niyo.

When money talks talaga, haist! Kung may pera lang sana ako, pero kahit na may pera akong pambayad sa kanila ay hindi ko pa rin yun gagamitin para lang dun. Duh! Ako na lang ang maghahanap sa daddy ko kung ayaw nila, hmp! Isampal ko sa kanila yung mga perang nakukuha nila eh.

Makapagligpit na nga lang sa taas, tapos na ko ng iligpit lahat ng nandito. Ang kailangan ko na lang ay hilahin lahat ng karton na yan papuntang basement, sana hindi sila mapunit. Mahihirapan ako ng husto kapag napunit sila.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa taas. Hindi pa ako nakakapagsimula sa mga gamit ko, maliligo pa ako, ang bantot ko na. Kailangan ko ring ilagay yung mga teddy bear ko sa isang garbage bag para magkasya sila, yung susi nga pala ng kotse. Mwahahahahaha! Okay naman pala na nawawala si daddy, at least magagamit ko yung kotse.

Char lang. Hindi okay, wala akong kasama. Wala akong kausap, at higit sa lahat, walang magbabayad ng tuition fee ko. Kailangan ko na talagang maghanap ng trabahong pwedeng tatanggap sa akin, ayokong may maisumbat yang mga teacher na yan sa akin pagdating ng panahon. Ayokong makarinig ng mga salitang hindi maganda sa tenga, ayokong makarinig ng mga hambog na salita.

Nightsweep (On-Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon