Night 7

7 5 0
                                    

Enjoy reading!

Shit anong gagawin ko!?

T*ngina magagwapuhan na nga lang ako sa isang halimaw pa? Ano ka Victoria abnormal?

Tumingin ako kay Angel para humingi ng tulong. Mukhang nakuha naman niya kung ano ang ibig kong sabihin kaya umiling lang siya at linagay ang hintuturo niya sa bibig niya and she mouthed to me, Don't move, which I really did.

Kesa naman makain ako nitong..aswang ata 'to. Shocks! Bakit meron nito sa school? Anong ginagawa ng isang halimaw dito? At bakit may halimaw? Ang old school naman!

Ano ba yan, nasa bingit na nga ako ng kapahamakan tapos ganito pa ang mga pinagiiisip ko?

Speaking of school, alam kaya ito ng school, lalong-lalo na ang principal? Alam kaya ng school na merong halimaw na umaali-aligid diyan sa tabi-tabi ng school? Alam kaya nilang nageexist pa ang mga halimaw?

Sobrang daming tanong ang nasa isip ko ngayon at kailangan itong masagot dahil kung hindi, baka sumabog na lang ang ulo ko sa kakaisip at mabaliw ako. Pero hindi ako pwedeng mabaliw, kailangan ko pang mahanap si daddy, at kailangan kong malaman kung bakit puro mga nerd ang nawawala sa school na ito.

Tama kayo ng basa, mga nerd ang nawawala sa school. Mga nerd na tumira dito dahil bigla na lang din nawala ang mga magulang nila. Kagaya ko. Kaya kailangan kong mag-imbestiga, anim na nerd na ang nawawala at hindi pa nahahanap ng mga pulis. Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa umaaksyon ang mga pulis eh, sa katunayan nga ay dapat sa ngayon obaka mas maaga sa ngayon ay alam na nila ito. Kahit naman galit ako sa mga pulis dito ay humihingi pa rin ako ng update sa kanila tungkol sa daddy ko, hindi na nga nila inaasikaso ang kaso ni daddy eh. Wala raw silang mahanap na lead para malaman kung sino ang gumawa nito. Wala namang may galit kay daddy dahil hindi naman siya palakaibigan katulad ko. Ni wala nga siyang nakakaaway sa baryong ito dahil like I said, hindi palakaibigan si daddy. Never siyang kumausap sa iba unless sila ang kumausap kay daddy.

O kaya naman hindi pa nila makita ang mga nawawalang tao ay dahil hindi pa nila nakukuha ang pattern? Pero imposible, ang alam ko ay tinuturo yan sa mga pulis. Dahil ang pagpatay o ang pagkikidnap ng sunod-sunod ay palaging may pattern na unconsciously nilang binibigay na clue sa mga pulis.

But why would someone kidnap and abduct a nerd? Even their parents? Ano naman ang kinalaman ng parents ng mga nerd sa kanila? Eh laging nerd ang inuuna nilang kidnapin bago ang mga magulang. That I can't pinpoint. I can't understand it. Hindi naman sila mayaman o mahirap, tama lang naman ang buhay nila, ata? Speaking of mayaman, marami nga palang mga mayayaman dito, at dalawa lang ang kilala kong nerd na mayaman. Hindi ko lang alam kung sino pa ang ibang mayaman na nerd.

Remember Isabella? The girl who taught me how to sing? She disappeared right after she transfered to this school just last week bago pa man ako lumipat dito para tumira. Hindi ko alam ang dahilan ng paglipat niya sa dorm ng school na ito, pero matapos niyang lumipat dito ay kinabukasan nabalitaan na lang naming nawawala siya. Agad na inaksyunan ng principal at ng pulis ang nangyari, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nahahanap. Like the rest of the girls that went missing.

She's been missing for almost a week now, at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nahahanap. Even her parents ay hindi man lang nagpakita sa school para lang makausap ang principal at ang mga pulis. Bali-balita raw nga ay pinabayaan na ng mga magulang si Isabella. But who would do such thing to their child right? Who would even abandon their child? I heard hindi raw makausap ng mga pulis ang magulang ni Isabella eh.

One time kasi na napadaan ako sa labas ng principal's office, narinig ko na wala raw tao sa bahay nila. Bukas ang gate at pintuan nung pumunta sila, at gaya rin ng nangyari sa bahay namin ay wasak-wasak din ang mga gamit at may iniwan ding sulat. The letter was similar to the letter I received. And that I slightly don't understand. I know there's something much more sa letter na iyon, but what could it be?

Nightsweep (On-Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon