"Oh anyare sayo?"
"Kala ko ba di ka papasok?"
"Natakot ka ano?"
"Ha ha, weak."
"Magsitigil kayong apat dahil kung hindi, baka ihambalos ko ito sa inyong platong hawak ko."
Tinaas nila ang kamay nila sa ere na para bang sinasabing suko na sila. Good, sumuko lang talaga kayo. Dahil kapag hindi kayo sumuko, makakatanggap kayo ng malupit na sampal mula sa akin.
"Ano ba kasi nangyari sayo?", sabay subo ni Tracey ng fries niya.
"Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi."
"Bakit naman?", ininom ni Tarah ang kanyang four season na juice at sumandal sa sandalan ng upuan niya na pagmamay-ari ng canteen.
"Basta. Kwento ko sa inyo mamaya mga bes, sigurado akong maiintriga kayo."
"Eh kung ngayon mo na kaya kinukwento? Binibitin mo pa kami eh.", tingnan mo itong Charice na ito, kagabi lang ang seryoso, tapos ngayon kung makaasta akala mo walang kasalanan sa akin.
Tiningnan ko siya ng masama bago nagsalita. "Nang dahil sayo hindi ako nakatulog ng maayos. Nang dahil sayo hindi ko nakamit ang inaasam kong beauty rest. Nang dahil sayo, imbes na nasa dream land ako, nasa nightmare land ako!", sabay tusok sa hotdog ko at subo. Nginuya ko ito habang naiinis ako at humalukipkip.
"I feel you bes.", sabay tapik ni Angel sa balikat ko.
Tumawa si Charice sa inasal ko. "At nakuha mo pa talagang tumawa imbes na magsorry ka sakin?", sabay taas ng kilay.
"Sorry na po. Kasalanan ko bang masyado akong naexcite sa pagkukwento ulit?", she squealed like a five year old kid before leaning towards us. "Excited na ako!!"
Inirapan ko siya. "Wag kang masyadong excited, baka di matuloy ang gusto mong mangyari."
"Grabe ka naman. Kokontrahin mo ba ang gusto kong mangyari?"
"Depende kung titigil ka muna at kakain ng tahimik.", and she pouted.
"Sama nito. Oo na po mommy, kakain na po ako ng tahimik."
"Good doggy."
At natawa ng pagkalakas-lakas ang tatlo sa sinabi ko. "Kung makadoggy ka ha, hmp!"
Pagkatapos naming kumain sa canteen ay dumiretso agad kami sa library. Wala naman masyadong gagawin ngayong araw dahil fiesta ng baryo. Gusto ko sanang pumunta pero mas importante pa ang buhay naming nakasangla sa kung kaninong demonyo kesa sa magpakasaya knowing na endangered ang beauty ko.
"Angel at Victoria.", napatingin kami ni Angel kay Tarah. "Suotin niyo ito.", binigay niya sa amin ang isang napakagandang vintage na kwintas.
"Naks naman. Yayamanin talaga kayo ha, salamat. Bawal tanggihan ang grasy--aray Angel ha. Masakit ang batok, gusto mo ikaw din batukan ko?"
Natawa si Angel sa sinabi ko. "Eh ikaw kasi, tumigil ka na muna sa kaka-ano mo."
"Tumigil sa kaka-ano saan?"
"Ha?"
"Ha? Di rin kita maintindihan bes."
"Ikaw--"
"Oh oh oh, tama na kakaspike ng ulo ko bes, hindi naman yan bola. Mukha bang bola ang ulo ko?"
Tumawa silang lahat sa akin. "Oo!"
"Wow, naki-agree pa talaga kayo. Kung makasabi kayo, eh mas maganda pa nga ang bola na ulo kesa sa oblong na ulo. Wahahahahahaha!--aray! Nakakasakit na kayo ng damdamin alam niyo yon?"
BINABASA MO ANG
Nightsweep (On-Hiatus)
General FictionThere are a lot of things we don't understand. Situations that we cannot handle. Seeing things from the first time that are so hard to believe, but we still strive to overcome them, yet it is still not enough. The life of Victioria have been real...