Naglalakad ako ngayon papuntang Public Library kasama si Angel. Yung tatlo nagpaiwan, hindi raw nila kailangan pumunta sa Public Library kasi meron naman daw silang stock knowledge.
Ang tanong, may na-stock bang knowledge sa ulo nila?
Huh, if I know puros chika lang naman ang gagawin nila. Ang tatamad kaya nun mag-aral, buti pa kami ni Angel, masipag.
"Grabe..", napatingin ako kay Angel. "Hindi ko akalain na ganito pala ang magiging buhay ko sa eskwelahan na iyon.", napabuntong hininga ako sa sinabi niya.
"Ako rin naman. Akala ko, yung pagkawala lang ni daddy ang poproblemahin ko pero hindi pala, may dumagdag pa. At sobrang bigat sa ulo nitong isang 'to.", I sighed deeply.
Paano ko ba sisimulan ang paghahanap kay daddy ng hindi iniisip na hindi ako mapapahamak? Paano ko ba sisimulan ang paghahanap kay daddy ng hindi napapahamak?
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang gawin ko, at hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Ang paghahanap kay daddy? O ang paghanap ng solusyon sa mga nawawalang estudyante sa school na ngayon ko lang napansin at nalaman?
Pero kung unahin ko man ang problema sa eskwelahan, I can find my dad. Alam kong hindi lang basta-basta ang pagkawala ni daddy, alam kong konektado ito sa nangyayari dito sa loob ng eskwelahan. And I need to find that out.
"Pero Victoria.."
"Hmm?"
"Hindi ka ba nag-aalala?"
"Saan?"
"Sa tatlong yun."
"Ah.", natawa ako sa sinabi niya. "Hindi ano. Matagal ko ng kaibigan si Tracey, sobrang close kami niyan noon. Hindi ko lang alam kung bakit bigla na lang umiba yung ihip ng hangin at hindi na kami close."
"Magkakilala pala kayo. Teka, ano nga ba ang nangyari sa inyong dalawa at hindi na kayo close?"
"Hindi ko alam. Siguro, naging sikat siya sa school at ako naging outcast? Di ko alam kung ano yung dahilan, basta hindi na kami nagkausap pa nung nakilala siya sa school bilang si "King of Dancer"."
"Dancer siya?"
"Oo. Hindi mo alam?"
"Ah hehe, second semester noon nung lumipat ako dito sa school niyo."
"Hindi mo nga kilala. Siguro nung bago mag-intramurals naging sikat siya. Nagpractice kasi sila sa harap ng madla, sa gitna ng soccer field to be exact. Lahat ng babae nakatutok sa kanya, tapos ayun, hindi na niya ako kilala.", napakamot ako sa leeg ko nung kumunot ang noo niya.
"Ang sama naman niya."
"Uy hindi naman, mabait yun. Siguro nawindang at naaliw lang siya sa pagiging sikat niya."
"Eh bakit hindi ka na niya kinakausap?"
Natawa ako sa tanong niya. "Transferee ka nga, pero nagtataka ako kung bakit hindi mo alam ang dahilan kung bakit walang may gustong lumapit sa akin. Eh in the first place kinakaibigan agad nila ang mga transferee just to tell them to stay away from me."
BINABASA MO ANG
Nightsweep (On-Hiatus)
General FictionThere are a lot of things we don't understand. Situations that we cannot handle. Seeing things from the first time that are so hard to believe, but we still strive to overcome them, yet it is still not enough. The life of Victioria have been real...