April 20, 2008
Dear Diary,
Nakakainis talaga. Bakit pa kasi kailangan naming lumipat ng bahay? Napaka-excited pa maglipat nila Mama. Bukas aalis na kami patungo sa hometown ni Papa. Agad agad! Hindi man lang patapusin ang fiesta dito bago kami umalis. Nakakainis! Ayoko talaga umalis diary. Pero ano bang magagawa ko, diba? Palamunin pa lang naman ako.
New town, new home, new school, new people! Nakakaloka diary! Ang hirap hirap makipagkaibigan kaya! Atsaka sa pasukan, 2nd year high school na ako. Paniguradong close na close na ang mga magiging classmates ko. Nakaka-OP yun panigurado.
Bilang pampalubag loob, pinayagan ako ni Papa na pumunta ng perya kasama ang mga kaibigan ko. Yun na siguro ang last na makikita ko ang mga kaibigan ko. Hindi ko na alam kung kailan ulit. Sana maging magkakaibigan pa din kami kahit malayo ako sa kanila. Binigay ko sa kanila yung number ni Mama, para naman ma-contact pa din nila ako kahit papano.
Nagdadasal na sana di matuloy ang paglipat ng bahay,
P.
P.S. Pinagpray ko talaga na bilhan na ako ng cellphone. Kahit Nokia 1100 lang.
BINABASA MO ANG
Letters from P.
RomanceDiary entries, tula, at kung ano-ano pang sulat na naglalaman kung papaano binago ng pag-ibig ang mala-monochrome na buhay ni Philipinne Sevilleja.