April 23, 2008
Dear Diary,
Ngayon na lang ulit ako nakapagsulat. Paano kasi naging busy sa kaka-unpack ng mga gamit at paglilinis ng bahay. Malaki ang family house nila Papa, kaya naman may sarili na akong kwarto. Natuwa naman ako don. Sa wakas may sarili na din akong kwarto!
Nasa second floor ang kwarto ko. Malapit sa hagdanan at katapat ng bathroom. Hindi naman malaki, tama lang siguro para sa akin. Magrereklamo pa ba ako, e kung dati wala naman akong sariling kwarto?
Sa tabi ng kwarto ko ay ang kwarto ni Lucho. Sa tabi ng kwarto ni Lucho ay ang kwarto naman ng matandang katulong na nakalimutan ko ang pangalan. At meron pang isang bakanteng kwarto.
Ang kwarto naman nila Mama ay sa 1st floor. Sa kanila lang ang kwartong may aircon at TV. Yun kasi ang kwarto ng uncle ko na nagmigrate sa US. At ngayong wala na sya, sila Papa na ang gagamit ng kwarto nya. May isa pang kwarto sa 1st floor. Ang pinsan kong si Kuya Freed ang nagkw-kwarto duon.
Kaninang umaga ay pumunta ang ilang mga kamag-anak at ilang kapitbahay namin para i-welcome kami. Nagkaroon ng maliit na salu-salo. Pinakilala pa kami ni Lucho sa mga pinsan namin. Ang iba sa kanila ay kilala ko pa dahil nagbabakasyon naman ako dito dati.
Sabi ni Kuya Freed, bukas daw ay ipapasyal nila kami sa mga pasyalan duon at sa main city ng probinsya. At sa susunod na araw ay sa dagat kami pupunta. Mag-s-swimming daw kami!
Excited na pumunta sa beach,
P.
BINABASA MO ANG
Letters from P.
RomanceDiary entries, tula, at kung ano-ano pang sulat na naglalaman kung papaano binago ng pag-ibig ang mala-monochrome na buhay ni Philipinne Sevilleja.