May 10, 2008
Dear Diary,
Ayoko na! Ayoko ng samahan si Lola sa palengke! Bukod sa nakakapagod maglakad, nakakapagod pa magbuhat ng pinamalengke! Gusto ko na ngang umiyak dahil araw araw kaming namamalengke! Ang aga-aga pa akong ginigising para lang don! Aalis kami ng bahay ng 7am tapos dadating ng halos mag-alas diyes na.
Paano naman kasi si Lola, daig pa ang politician na nangangampanya kung makipagdaldalan sa palengke. Halos ata lahat ng vendors kilala nya, iba pa yung mga taong nakakasalubong nya sa daan. Nakakaloka! Tapos ipapakilala pa ako. Alam ko namang proud sya sakin bilang apo nya, pero sana naman wag ganun kasi nakakahiya. At eto pa, ang tagal tagal nya makipag-chitchat. Ayos lang sana kung walang laman yung basket na dala ko. Pero diary, 5 kilos na karne at mga gulay ang laman nun! Jusko! Ang bigat-bigat!
Ang hindi ko pa maintindihan ay kung bakit araw-araw syang namamalengke, e halos pang tatlong araw na yung binibili nyang mga pagkain. Sabi nya, halos araw araw din namang daw na duon sa bahay kumakain yung mga pinsan ko kaya mabuti na at handa dahil marami daw syang papakainin. Idagdag pa daw yung mga bisita na dumadalaw sa bahay araw-araw.
Ang pakunswelo na lang talaga e pag may gusto akong bilhin sa palengke, napapabili ko sa kanya. Tapos yung mga sukli sa akin napupunta. Feeling ko mayaman ako ngayong bakasyon. Pero feeling ko din magkaka-muscles na ako sa kakabuhat ng ilang kilo ng mga karne.
Macho na ata,
P.
BINABASA MO ANG
Letters from P.
RomanceDiary entries, tula, at kung ano-ano pang sulat na naglalaman kung papaano binago ng pag-ibig ang mala-monochrome na buhay ni Philipinne Sevilleja.