ENTRY 8

12 0 0
                                    


May 21,2008

Dear Diary,

Mukhang sa Northern High ako mag-aaral. Alumni pala dun ang angkan ng Sevilleja. Kaya dun din ang bagsak ko.

Ayaw nga ni Mama na duon ako dahil mahal daw ang tuition. Humigit kumulang 10K per year daw. Atsaka ang gusto nya e sa Science HighSchool na isang public school sa kabilang bayan ako pumasok. Pero ayaw ni papa dahil malayo daw.

Sa huli, si Papa ang nasunod. Hindi ko nga alam kung saan sya kukuha ng perang pangtuition ko e wala naman na syang trabaho. Nang tinanong ko sya, sya na daw bahala.

Sabi ko, baka magbenta sya ng kidney para lang mapag-aral ako. Ayos naman ako kung sa public school lang. Binatukan nya ako. Wala daw sa plano nya yon. May ipon naman daw sya kaya yun ang gagamitin nya.

Edi ok,

P. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters from P.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon