May 17, 2008
Dear Diary,
Birthday ni Lucho ngayon, kaya naman nagpa-Lechon si Lolo. Malaking party tuloy ang ginanap. Parang welcome party na din para sa kanila.
Sinamahan kami ni Kuya Freed kanina sa L City para kunin yung cake na pinagawa para kay Lucho. Ang ganda nga ng cake nya e. At syempre malaki din.
Wala akong masyadong kilala sa mga tao na pumunta sa party. Kaya naman nakisama na lang ako sa mga pinsan ko. Si Lucho naman, pagkatapos kumain at magblow ng cake e umalis na kasama yung mga kalaro nya at nanuod ng anime.
Nakilala ko din si Gee-Ann. Isa sa mga kapitbahay namin, at kasing edad ko lang din. Sa Northern High sya nag-aaral, isang semi-private school. Hindi ko nga alam kung duon din ako pag-aaralin. Medyo malayo kasi sa bahay yung public school. Mga 20 minutes by tricycle ata ang layo. E yung Northern High, 5 minutes lang.
Malapit na pala enrollment at hindi ko pa alam kung saan ako mag-e-enroll. Kakausapin ko pa si Papa tungkol dyan.
Nasarapan sa lechon,
P.
BINABASA MO ANG
Letters from P.
RomanceDiary entries, tula, at kung ano-ano pang sulat na naglalaman kung papaano binago ng pag-ibig ang mala-monochrome na buhay ni Philipinne Sevilleja.