May 12, 2008
Dear Diary,
Sa wakas napa-open line na din yung cellphone ko! Binigyan nga ako ni Lola ng perang pambili ng simcard kanina, saka pang-load na din. Kaya tinext ko agad yung mga kaibigan ko na may bago akong number at wag na silang magtext sa number ni Mama.
Nag-grocery din kami sa L City kanina, dahil nanduon yung malaking mall. At dahil ako ang dakilang alalay ni Lola, nakabuntot ako sa kanya. Pero ayos lang dahil sabi nya kumuha daw ako ng mga gusto ko at sya daw ang magbabayad. Kasama din naman namin si Ate Wynn at Kuya Freed (dahil sya ang driver).
Andaming binili ni Lola para sa bahay. Pang dalawang buwang supplies ata ng delata, instant goodies, mga sabong panlaba, at personal hygiene products. At syempre dagdag pa yung mga pinamili kong para sa akin. Bumili ako ng shampoo, conditioner, sabon, lotion, cologne, baby powder, at lip balm. Sabi ni Papa, kumuha daw ako ng pang ilang buwang supplies para hanggang pasukan na yon. Kaya yun naman ang ginawa ko.
Ayos naman yun kay Lola, basta bukas daw ay samahan ko sya sa party ng isa nyang amiga.
Mas lalo atang tumataba dahil sa mga party ni Lola,
P.
BINABASA MO ANG
Letters from P.
RomanceDiary entries, tula, at kung ano-ano pang sulat na naglalaman kung papaano binago ng pag-ibig ang mala-monochrome na buhay ni Philipinne Sevilleja.