April 26, 2008
Dear Diary,
Nalaman ko kanina na uuwi daw sila Lola galing US. Kaya ayon, yung kwarto ni Lucho ay binakante para kila Lolo at Lola. Sila Mama naman ay gagamitin ang bakanteng kwarto, para ang uncle ko ang gagamit sa kwartong may aircon. Tapos si Lucho, magiging roommate ko na naman! Sabi ko sa kanya na sa sahig ko sya papatulugin. Ayos lang naman sa kanya dahil may folding bed naman.
First time ko din pumunta sa palengke kanina. Binilhan ako ni Mama ng whitening lotion. Umitim daw kasi ako nuong nagswimming kami sa beach. Pero sa tingin ko naman walang nagbago sa kulay ng skin ko, namula lang ng kaunti. OA lang talaga si Mama.
Nilibot din kami ni Kuya Freed at Ate Wyn (pinsan ko din) sa katabing bayan. May street dancing at parade kasi sila dahil fiesta. Ang ganda nga e. Kaso amoy bawang yung kalsada. Garlic Festival kasi kaya may mga float na gawa sa garlic. Feeling ko nga kumapit sa buhok ko yung amoy ng bawang, o baka kaartehan ko lang.
Hindi aaswangin dahil amoy bawang,
P.
![](https://img.wattpad.com/cover/119359160-288-k384569.jpg)
BINABASA MO ANG
Letters from P.
RomanceDiary entries, tula, at kung ano-ano pang sulat na naglalaman kung papaano binago ng pag-ibig ang mala-monochrome na buhay ni Philipinne Sevilleja.