May 1, 2008
Dear Diary,
Pumunta kami sa L City kanina dahil sinundo namin sila Lola. First time kong makapunta ng airport diary. Kahit provincial/local airport lang yon, ayos lang. Muntik na nga akong nakatulog kakahintay e. Nang makauwi kami sa bahay, halos 9pm na.
Buong pamilya ata ng Sevilleja ang sumalubong. Parang party nga nang dumating kami galing airport. Pagkatapos naming kumain, binuksan na yung mga balikbayan boxes. Madami akong nakuhang chocolates at limang damit! Buti nga nagkasya yung mga damit e! Tapos diary, eto pa! May cellphone na ako! Hindi lang yon basta cellphone diary! Cellphone na may camera! Kaso lang kailangan pang ipa-open line kasi galing America. Dati daw iyong cellphone ni Uncle, at dahil may bago syang cellphone, ibinigay nya sakin yung pinaglumaan nya.
Ayos lang na second hand, basta may cellphone! Ang ganda ganda nga e, LG yung tatak. De-slide pa. Ipapa-open line daw namin pag pumunta kami ng L City.
Si Lucho naman, sapatos at chocolates ang nakuha. Gusto din daw nya ng cellphone. Sabi ko naman hindi pa yon pwede sa kanya kasi mag-g-grade- 5 pa lang sya. Sabi naman ni Lolo, ibibili nya daw si Lucho bukas ng basketball at papagawan ng maliit na court sa gilid ng bahay para pampalubag loob. Nakasimangot nga si Lucho dahil sana daw playstation na lang ang bilhin.
Excited na magtext,
P.
BINABASA MO ANG
Letters from P.
RomanceDiary entries, tula, at kung ano-ano pang sulat na naglalaman kung papaano binago ng pag-ibig ang mala-monochrome na buhay ni Philipinne Sevilleja.