Madrid Spain
Isang napaka payapang gabi ang bubulabugin ng mga nag gagandahang anghel ng impyerno.
Isang matandang lalaki ang himbing na natutulog sa kanyang eleganteng silid. Punong puno na napakaraming bantay ang kanyang mansyon, halatang mga batikan sa pakikipaglaban. ang kanyang silid ay nababantayan din ng limang lalaki na may malalaking pangangatawan. mga bihasa din sa pakikipagsagupaan.
Ang nasabing matanda ay kilala sa black market at lubhang maimpluwensya sa Espanya. Kung kaya madaming galit at nagnanais na mapatumba ito. Ngunit kung gaano kadami yung mga iyon ay ganoon na din kadami ang nabigo at nasawi.
Ngayong gabi isang grupo ang inupahan upang siya ay maipatumba na nang tuluyan. Ito ang MAGI. (My Assasin Girls Inc.) marinig palang sila ay kinatatakutan na. kilala sila sa buong Europe. Wala pa ni isang sablay sa trabaho ng mga ito ngunit may kamahalan maningil kung kaya iilan lang ang nakakakuha nang kanilang serbisyo.
Anim na babae ang pumasok nang palihim sa bakuran ng mansyon. Walang nakapansin sa mga ito na animo'y pusa sa sobrang tahimik kumilos.
Sinenyasan ng isang babaeng naka hood at nakamaskara nang puti ang mga kasama naka mask naman ng mga tela na parang mga ninja ang dating. Itinuro ang mga direksyong dapat tahakin. Walang kamalay malay ang mga bantay nakanilang isa isang pinatulog. At malayang nakapasok sa loob ng mansyon.
Nilabas ni Spade (ang babaeng nakamaskara) ang kanyang baril na may silenser. Dahan dahang tinatahak ang pasilyo papuntang silid na kanilang target. Ngunit bago makalapit sa silid ay may dalawang lalaking nakatayo sa labas at kapwa may malalaking pangangatawan.
Nangiti si Spade mapapasabak sya sa laban. Ito kasi ang hilig nya, may kakaiba syang excitement na nadadama sa tuwing makikipag bakbakan ng lakas, mas natutuwa sya kapag makakapag pabagsak sya ng mga lalaki. Muhusay sya sa pakikipaglaban madaming alam na martial arts at lahat ng uri ay minaster nya, mula pagkabata ay sinasanay na sya ng uncle nya para sa self defense daw nya. Sineryoso nya ang pag aaral nang martial arts dahil gusto nyang maging bihasa dito, nais nyang maging isa sa pinaka mahusay sa larangan na ito. Ngunit bukod sa martial arts ay bihasa din sya sa pag gamit ng ibat ibang sandata mula sa sumpit hanggang sa pinaka makabagong armas.
Binaril nya ang isa sa mga lalaking nagbabantay sa silid. Napansin naman agad ito ng kasamang lalaki at agad na gumanti nang pagpapaputok na kanya naman.agad na naiwasan.
Dahil sa tunog nang baril ay agad namang nagising ang matandang himbing na natutulog sa loob nang silid at agad na kinuha ang baril na nakatago sa side drawer na nakapwesto sa kanang bahagi nang kama.
Samantalang nabulabog ang buong kabahayan dahil sa putok ng baril kung kaya agad na nasundan ng palitan ng pagpapaputok ang mga bantay sa mga nakapasok na assasin.
"Damn !t...!!!!!" gigil na bigkas nang matanda nang makita nya mula sa bintana nya ang madami sa mga tauhan nya ang nakahandusay sa labas. "who the hell are they..??!! who are those assh**e that has the guts to invade my territory.".
Sa dami nang nagnais na pumatay sa matanda wala pa ni isang sumubok na pumasok sa mansyon dahil sa dami ng bantay at madami ding hi tech security and traps na nakakabit sa buong mansyon. Agad namang tumabi sa kanya ang tatlo sa lima nyang personal body guard.
Pag bukas nang pinto nang silid ay
sunod sunod na pagpapaputok ang ginawa nang matanda at nang tatlong lalaking bantay ngunit ang katawan lamang nang isa sa dalawang bantay sa labas ang tinadtad nila ng bala hanggang sa maubusan sila.
Sya namang pag sulpot ni Spade mula sa tinataguan at sinugod ang kinaroroonan ng apat. Susuntukin sana sya nang isa sa tatlong lalaki ngunit naiwasan nya ito at mabilis na nakagawa nang counter attack.
BINABASA MO ANG
My Assasin Girl
AdventureMAGI (My Assasin Girls Inc.) isang grupo ng mga assasin pumapatay sa tamang halaga. TwinBlade- kinatatakutan at numero unong mafia group sa Asia. Meet Charles Buenaventura ang napipisil na humalili sa pwesto ni Delfin Lee ang Big Boss ng TwinBlade. ...