Belle
Hindi ko na naipaalam kay uncle Delfin ang napaaga kong pagbabalik sa pilipinas. Siguradong magugulat yon.
At ito namang dalawang kasama ko manghang mangha sa mansyong natatanaw namin kahit na hindi naman kasing laki tulad nang sa hide out namin sa Spain at Italy.
Nang matigil kami sa tapat nang malaking gate agad hinarang ang arkilado namin sasakyan. tinted ang bintana kung kaya hindi kami kita sa loob.
Binaba ang salamin at sinilip ni Mandy (Madison Jade Jung/ codename Club) ang bantay nang malaking gate mula sa driver's seat.
"Hi" bati nito sa lalaki.
mula sa kina uupuan ko ay nahagip ng mata ko ang ilang kalalakihang tila nagkakagulo sa loob.
May away ata, batid kong napansin na din ni Club ang komosyon sa loob nang bakuran palihim syang sumulyap sa rear mirror.
"May appointment kayo miss?" tanong nang lalaki. Halatang tao ito ng mga kalaban, bale wala kasi ang kumusyon sa kanya na ngayon ay tila humuhupa na. Napansin naman namin ang pag senyas nito sa gilid ng kalsada kung saan may ilang lalaki lumabas mula sa mga pinagtataguang puno.
Naging hudyat yon upang lumabas si Mandy at makipag sagupaan bago pa man makalapit ang lahat sa sasakyan. Naging mabilis din sa pagkilos kami ni steph (Stephanie Hellish Nagi/ Codename Heart)
Agad kaming lumabas ng kotse bago pa man mapaulanan ng bala.Kanya kanyang bunot nang mga baril na nakatago sa secret gun holder ng aming mga kasuotan. Makalipas ang ilang pakikipag palitan nang putok ay palihim kong sinenyasan ang dalawa na sumunod sa akin. Umikot kami sa gawing kaliwa kung saan mapuno at nakikipagpatentero pa din sa mga bala.
Sh!t whats happening kalalapag ko palang nang pilipinas mukhang kumikilos na ang mga kalaban ni uncle. Pero never pang may sumubok na sumugod sa kalagitnaan ng kainitan nang araw sa mansyong ito ni uncle. The enemy really have the guts ang Pentagon Venom na ba ang mga ito. Mabilis talaga silang kumilos
Nang marating namin ang gilid nang pader nang mansyon agad kong hinanap ang secret passage. Sa pagkakatanda ko banda rito lang iyon. Ngunit bago ko pa mahanap ito ay may mga armadong lalaking pumalibot sa amin at tinutukan kami nang baril.
Shit bakit ngayon pa, alam kong wala na ding bala ang dalawa, nakailang pagpapaputok na kami sa dami nang kalaban. Hindi naman problema sa amin kung wala na kaming sandata alam kong makakagawa nang paraan ang mga kasama ko tulad ko para maka agaw ng baril mula sa kalaban. Nakahanda na kami sa sagupaan nang may magsalita isang pamilyar na lalaking may edad na.
"Stop" ma awtoridad na utos nito.
"Butler Park" sabi ko.
"Young Mistress's, napa aga po ang pagdating nyo" sabi nya sabay bow. Agad namang ibinaba nang mga lalaki ang kanilang baril at agad na nag bow sa amin. Ngunit ang ilan ay nanatiling alerto dahil patuloy pa din ang palitan nang mga putok nang baril sa paligid.
"Nasaan si Uncle, bakit ito ang sumalubong sa akin, sa halip na manorpresa ako, ako pa ang nasorpresa sa nadatnan ko" sagot ko sa kanya at hindi pinansin ang kanyang katanungan.
"Ligtas na po si Master, Young Mistress, kasama nya si Sir Charles" sagot nito sa akin. Tumaas ang kilay ko sa pagkakasabi nya. Who the hell is this Charles Buenaventura? Lagi din syang bukang bibig ni Uncle when ever we had a chance to talk over a phone. Ganun kalaki ang tiwala dito nang tiyuhin kaya pati buhay ay handang ipagkatiwala sa nasabing lalaki. Dahil lumaki sa magulong mundo nang underground world wala syang pinagkakatiwalaan, piling pili ang mga taong pinagbibigyan nya nang tiwala dahil kinalakihan na nya iyon. Kung ang kaibigan nga niyang si Oli ngayon ay hindi niya mapaniwalaang magiging kalaban nya dahil sa away pamilya at mafia group. Pero kahit ganoon nagpapasalamat sya dahil hinayaan sya nangkaibigan na makauwe upang bigyan nang proteksyon ang tiyuhin sa abot nang kanyang kakayahan.
BINABASA MO ANG
My Assasin Girl
AdventureMAGI (My Assasin Girls Inc.) isang grupo ng mga assasin pumapatay sa tamang halaga. TwinBlade- kinatatakutan at numero unong mafia group sa Asia. Meet Charles Buenaventura ang napipisil na humalili sa pwesto ni Delfin Lee ang Big Boss ng TwinBlade. ...