***
This is the continuation of the story when Belle caught Charles with her bedmate Dianne, Charles's side.
***
Matapos ang kanilang mainit na pagniniig ay naligo sa banyo si Dianne Mobtesilva. Kinuha naman ni Charles ang nagkalat na damit at inilagay sa lagayan nya nang madudumi. Nang matapos ang babae sa paliligo ay agad naman siya nito ginawaran nang halik sa mga labi.
"Maliligo ka, sana nagsabay na lang tayo" sabi nito sa kanya matapos ang sandaling halik na iginawad nito.
Hindi na niya ito pinansin at nag deretso sa paliligo. Nasa banyo si Charles nang tumunog ang buzzer ng unit nito. Hindi na sana papansinin ni Dianne nang sunud sunurin ng kung sino man ang nasa labas ang pag pindot dito, na tila ba ilang sandali na lang ay sisirain na ang pinto ng unit kung di pa mapagbubuksan.
Busit na pinag buksan ni Dianne ang walang pakundangang mag doorbell. Napataas ang kilay nito nang mapag buksan ang isang babae na nakasuot ng white shirt na napapatungan ng red unbutton collar blouse hapit ang shirt kaya naman kita ang mayaman nitong dibdib. Naka short short lang ito na nag pakita nang mapuputi at makinis na hita.
"Yes?" mataray na tanong nya sa babae.
Kung another fling na naman ito ni Charles pwes ngayon pa lang dapat masindak na ito sa kanya at dapat lang na matigil na ang anu mang ugnayan nila nang lalaki dahil kanya lang si Charles Buenaventura.
Lahat na ata nang mga nabalitaan niyang fling, nobya o sino mang babae na lalapit sa lalaki ay kanya na sinisindak at ginagawan nang paraan malayo lang sa lalaking kanyang kinababaliwan.
"Is Charles in there? " matapang na tanong nito sa kanya na bahagya ding nakataas ang kilay.
Tapos nang maligo si Charles nang marinig niyang may ka usap sa may pintuan si Dianne. Tila pamilyar naman sa kanyang pandinig ang boses nito nang magtanong ito. Bago pa man makasagot si Dianne ay pumunta na sya sa may pinto. Ganoon na lang ang kanyang gulat nang makita ang babaeng nakatayo sa may pintuan, walang iba kundi si Belle.
Agad namang napalitan ang kanyang gulat nang tuwa nang makita nyang nagbago ang aura nito pagkakita sa kanya, kung kaya di nya napigilang mapangisi. Kitang kita kasi niya ang inis sa mukha nito nang makita ang itsura niya. Di niya lang masiguro kung inis lang ba iyon sa hindi niya pag dating sa usapang nalimutan nya o may halong selos sa likod nang inis na yun.
"Anong nginingisi ngisi mo jan" tanong nito sa kanya at walang pasabing nag deretso sa loob sabay bangga nang bahagya sa balikat ni Dianne.
Mukhang maaliw sya sa babaeng ito, nakita nyang naniningkit na rin sa inis si Dianne, wala pa kasing kahit sino ang gumanito sa babae si Belle pa lang, alam naman niyang si Dianne ang dahilan kung bakit ang ilang naghahabol sa kayang babae ay tumitigil. Madalas kasi nitong awayin at pagtarayan, kaya nga malaking tulong na din si Dianne sa pagtigil ng mga mangungulit sa kanya.
Nakita niyang iniikot ni Belle ang paningin sa loob nang kanyang unit at tila lalong dumilim ang aura nito nang mapansin ang damit ni Dianne sa couch.
Nagderederetso ito nang pasok at umupo sa couch.
......****
"nagpunta ako sa mansyon at villa ni uncle to meet you there pero hindi kita mahagilab. Kala ko ba mag uusap tayo, and here you with this b-" marahas itong huminga
"never mind, hindi mo pa ba paalisin iyan" baling nito kay Dianne na halatang nagpipigil nang inis niya.
"Hey and who the hell are you, " baling naman nang nabwibwisit na ring si Dianne.
BINABASA MO ANG
My Assasin Girl
AventuraMAGI (My Assasin Girls Inc.) isang grupo ng mga assasin pumapatay sa tamang halaga. TwinBlade- kinatatakutan at numero unong mafia group sa Asia. Meet Charles Buenaventura ang napipisil na humalili sa pwesto ni Delfin Lee ang Big Boss ng TwinBlade. ...