the SEED.
/-/-/-/
Kaibigan #1: Oy! Pare! Buti dumating ka! Sabi mo nung isang araw hindi ka na makakapunta!?
Kaibigan #2: Wala eh, pinilit ko talaga na hindi sumama sa Family gathering namin.
Kaibigan #1: Wow! Nakaka-touch naman! My bestfriend chooses me rather than to go with his Family gathering. Malungkot nga ako kanina, because I know you can't come. Buti ka pa nakapunta, yung iba they made promises but hindi naman pupunta.
Kaibigan #2: Pre, simpleng effort lang 'tong ginawa ko. Tsaka, kakalimutan ko ba naman ang birthday ng Bestfriend ko?? Naniniwala kasi ako na, Simple efforts are really appreciated especially when you didn't expect someone to do it to you, because surprises are better than promises. HAPPY BIRTHDAY, Pre!
/-/-/-/
Mas nakakatuwa ang sinusurpresa kesa sinasabihan ng pangako...
SURPRISE!!!
/-/-/-/
Effort
1. A difficult exertion of the strength or will.
2. The use of physical or mental energy to do something.
"Effort can apply to any such act, great or small; where it is not qualified, the term usually implies a substantial expenditure of one's time, strength, or faculties."
/-/-/-/
EFFORT??
Isang INVESTMENT.
Naranasan mo na siguro yung sobrang sarap na pakiramdam habang nakahilata ka pa sa kama. Yung malamig. Yung masarap dahil malambot yung kama. Yung tipong ang bigat ng katawan mo dahil hinihila ka ng GRAVITY! At ang tanging magagawa mo lang e, yakapin ang unan, magpa-gulong-gulong at humikab-hikab. Ang sarap-sarap ng kaantukan. Nang katamaran sa ganitong mga oras.. Tapos, mag-aalarm yung cellphone mo, or yung alarm clock mo.
Tapos, sisigaw yung nanay mo:
"HOY! ANONG ORAS NA?! MALI-LATE KA NA NAMAN!! ANG KUPAD-KUPAD MO PA NAMAN KUMILOS!! BUMANGON KA NA!!" (CAPS LOCK PARA INTENSE!! XD)
Hahaha! Ang epic fail ng pagkakataon! Ang sarap-sarap ng pagli-live in niyo ng kama at unan mo kaso.. WTF!!
Hinahadlangan ng nanay mo ang pagmamahalan niyo.
Kailangan mong bumangon ng maaga para sa kinabukasan mo. Para sa nanay mo. Para sa ikatatahimik ng nanay mo. Para sa 7:00AM class mo!
Para sa mga badtrip na mga teachers or professors mo.
Parang araw ng penitensya ang senaryong ito. Ito yung pinaka-ayaw mong scene sa pelikula. Ito yung scene na may kontra-bida sa dalawang magsing-irog! Sa dalawang nagmamahalang bida! Sa inyong dalawa ng kama at unan mo..
Pero kahit ayaw mong magpaapekto sa tila-kontrabidang dating ng nanay mo, e wala kang ibang magagawa kung hindi ang BUMANGON... ;(
Yung pagbangon na yan ang magiging pinakamabigat na EFFORT na gagawin mo sa simula pa lang ng araw mo. Sa simula pa lang ng umaga mo! EFFORT na ikahihinayangan at ikalulungkot mo. XD
EFFORT kasi minsan ang nagde-define sa kahalagahan o value ng isang bagay o ng isang tao. EFFORT din minsan ang instrumento para ipakita o ipadama ang love mo sa isang tao o bagay.. EFFORT ang siyang ginawa mo kaya na-gain mo ang mga na-EXPERIENCE mo... EFFORT din ang nagpatotoo sa mga tiwalang, ibinibigay mo.
Ang EFFORT ay isang manipestasyon sa mga bagay na gagawin mo.
Sa pagkakaibigan, sobrang mahalaga ituuuu!
Hindi mo kasi mapapatunayan yung LOVE mo kung hindi ka magbibigay ng EFFORT.
Hindi mo maipapakita na sobra yung value nya sa'yo kung hindi ka mag-eEffort.
Hindi mo mabibigyang hustisya yung TRUST na ibinigay niya kung walang EFFORT na magaganap. EFFORT!!
Minsan, mahirap magbigay ng effort..
Minsan kasi mabibigat ito, minsan mahirap.
Katulad ng pag-effort na bumangon mula sa pagkakahilata mo sa kama mo.
Totoong mahirap gawin sa umpisa pero gagawin mo dahil marami ang mga nakasalalay dito.
Naryan na yari ka sa nanay mo..
Lagot ka sa professors mo o teacher mo..
Mapapahamak ang kinabukasan mo dahil malalagay sa alanganin ang record mo sa Attendance dahil, kapag na-late ka ng 3 times, ABSENT na! At kapag umabsent ka ng 7 times, DROP na!
Ganun nga kasi, kahit mahirap ang mag-effort e gagawin at gagawin mo. Kung mahalaga ito sa'yo, balewala ang pag-eeffort mo.
Sa pagkakaibigan, ayos lang ang EFFORT mo dahil para naman ito sa kaibigan mo. Gagawin mo kasi lahat ng EFFORT para sa kaibigan mo. Simple man o komplikado.
Maliit man o malaki. Kaunti man o madami.
EFFORT? gagawin mo lahat yan para sa ikabubuti ng RELASYON niyo.
Pero, minsan katulad sa TRUST, e nakakahinayang din ito. Katulad sa TRUST, minsan mabibigo ka din dito. Wala din kasi itong ASSURANCE..
Kahit na mag-effort ka ng sobra, hindi ka sigurado kung may maganda itong magiging epekto o resulta.
Ang EFFORT kasi isang INVESTMENT sa pagpapatibay ng RELASYON niyo, ng PAGKAKAIBIGAN niyo..
Parang yung pag-effort mo sa paggising tuwing umaga para pumasok sa eskwela, e INVESTMENT mo para sa magandang kinabukasan mo, sa buhay mo.
Ang EFFORT ang magsisilbing SUSI sa pagkakaibigan niyo. Sa mas matatag at mas matagal na RELASYON niyo.
EFFORT, isang INVESTMENT, na siyang magsisilbing SUSI sa maayos na RELASYON ng pagkakaibigan niyo.
EFFORT.. EFFORT.. EFFORT..
/-/-/-/
APPRECIATION...
Malaki man o maliit ang EFFORT na nagagawa sa atin ng kaibigan natin, matuto tayong mag-appreciate..
Simple man ito o mala-KOMPLIKADO, maging masaya tayo.
Dahil ang EFFORT ng isang kaibigan hindi matutumbasan ng pera o ng kahit ano pang bagay.
Tanging paraan lang para masuklian ito, ay ang maappreciate ito. Bigyan ng importansya ang EFFORT.
Minsan kasi, mahirap ma-Afford ng EFFORT once na binalewala natin yung EFFORT na ibinigay sa atin.
"EFFORT is the best way to prove that you really love the person even without committment."
"Once you lose someone, it is never exactly the same person who comes back."
BINABASA MO ANG
You Got A Friend! (Anatomika ng Puno ng Pagkakaibigan)
PoetryHindi ito love story! </3 This book is about things you must consider in a relationship called FRIENDSHIP. Meron ka mang BF or GF.. Wala ka man niyan, at feeling mo nag-IISA ka.. Wag mag-alala! Pikit lang, Inhale. Exhale... At Lagi mong tatandaan n...