the ROOTS

66 1 0
                                    

the ROOTS..

/-/-/-/

Kaibigan #1: Pre, suot mo na naman yang maong pants na yan? :D

Kaibigan #2: Oo nga eh. Favorite ko kasi. :D

Kaibigan #1: Siguro, darating din yung oras na yung pagkakaibigan natin matutulad diyan.

Kaibigan #2: Ha? Bakit naman?

Kaibigan #1: Sa tingin ko kasi, yung PAGKAKAIBIGAN parang maong pants lang yan. Kahit gaano pa yan kaganda nung umpisa, kukupas at kukupas din yan.

Kaibigan #2: Pre, totoong yung pagkakaibigan natin katulad ng maong pants na ito na maaaring kumupas. Pero katulad din ng favorite maong pants ko na ito yung PAGKAKAIBIGAN natin. Hindi ko nalang basta itatapon. Mahalaga kasi para sa akin yung mga napagdaanan natin ng magkasama. Marahil yung PAGKAKAIBIGAN eh, kumupas pero ang mga napagsamahan ang tunay na pagbabasehan.

Experience is the best teacher.

/-/-/-/

Experience (n)

1. The apprehension of an object, thought or emotion through the senses or mind.

2. Active participation in events or activities, leading to the accumulation of knowledge or skill.

3. The totality of such events in the past of an individual or group.

/-/-/-/

EXPERIENCE?? The best Teacher.

Napagdaanan! Napagsamahan! Naranasan!

HahahahahahahahahahhahahahahahahahhahahahahahahahAhahhuuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuh! XD

Parang timang lang e ano? magha-Haha tapos maghu-Huhu!! Haha-huhu! Hahaha. Loko! May naalala lang kasi ako.! Nung naalala ko natawa ako tapos naiyak na din at the same time!! Haha-huhu!! Wait! Teka lang naaalala ko na naman...

Hahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahaahahhuhuuhuhuhuhuhuhihihuhuhuhuhuhuhuhuhuhu! XD

Haha! Tama na nga! Ampotek! XD

Mga MEMOIRS nga naman. Mga MEMORIES.

Magbibigay ng saya, minsan lungkot.

Mapapa-HAHA ka minsan, minsan naman mapapa-HUHU ka!

HA-HU-HA-HU-HA-HU-HA-HU-HA-HU-HA-HU-HA

Memories? Malamang marami ka nyan.

Malamang maraming nakakatawa diyan! ;(

Malamang marami din ang nakakaiyak diyan! XD

Minsan masasaya, minsan malulungkot.

Minsan pinaiyak ka sa sakit, minsan pinaiyak ka sa saya.

Siguro naman may mga naaalala ka? :D

Nakakatawa na yung mga malulungkot na experiences mo noon ay tinatawanan at nginingitian mo na lang ngayon.

Nakakaiyak naman na yung mga masasayang experiences mo noon ay ikinalulungkot mo na ngayon.

Nakakalungkot dahil yung masasayang EXPERIENCES niyo noon, ngayon parte nalang ng MEMORIES.

Hindi nakakalungkot ang balikan ang mga ito.

Ang tunay na mas nakakalungkot eh, ang balikan ang mga ito na Ikaw na lang mag-isang bumabalik.

Napakasayang mag-reminisce ng nakaraan.

Masayang pag-aralan ang HISTORY.

Dahil hindi ka magiging ganyan ngayon kung hindi dahil sa mga napagdaanan mo.

Masayang balikan ang mga Memories, nakakalungkot lang dahil akala niyo magkasabay niyo itong babalikan.

Sa FRIENDSHIP, sobrang daming EXPERIENCES yung mararanasan mo. Dahil ang kaibigan ang pangunahing contributor ng karanasan. Bakit?? Dahil sila ang madalas nating makasama. Makasalamuha. Maging kapwa, pagdating sa mga kalokohan. Ka-TRIPAN. mga pwedeng maranasan.

Sila/ siya yung pwedeng unang magparanas sa'yo ng maraming bagay.

Masaya man o malungkot..

Nakakaiyak man o nakakatawa..

Ang pinaka masakit nga lang e, kapag ang mga EXPERIENCES niyo noon ay magiging MEMORIES na lang ngayon..

MEMORIES, dahil ala-ala na lang.

GUSTUHIN mo mang balikan, GAWIN at ma-EXPERIENCE muli kasama siya, hindi na pwede.

Marahil, ayaw na niya. Ayaw na ng pagkakataon. Ayaw na ng iba pang mga bagay-bagay.

Hindi naman kasi natin PWEDENG pilitin kung ayaw na nung taong yun.

Kung ayaw ng isang TAO, ayaw.

Kung gusto, gusto.

EXPERIENCES.. EXPERIENCES.. EXPERIENCES..

MEMORIES.. MEMORIES.. MEMORIES..

Haha Huhuhu Hahaha Huhu Haha Huhu Hahaha Huhuhu

Ang EXPERIENCES kasi masasabi kong parang semento.

SEMENTO, GRABA, BUHANGIN at TUBIG lang yan.

Ayan yung mga ginagamit sa pag-gawa ng PUNDASYON ng mga bahay at mga GUSALI, matataas na GUSALI.

Sa FRIENDSHIP, ang mga EXPERIENCES ang siyang magiging PUNDASYON niyo.

PUNDASYON ng PAGKAKAIBIGAN.

Kapag mas marami, at mas malalim ang mga EXPERIENCES niyo, mas malalim at mas magiging MATIBAY din ang PUNDASYON ng pagkakaibigan niyo.

Mas mahirap matibag, o masira yung PAGKAKAIBIGAN niyo dahil sa mga naranasan niyo, napagdaanan niyo.

Kung napakalalim at napakatibay na ng PUNDASYON niyo dahil sa mga napagdaanan at naranasan niyo..

Malamang!! Mas malaki ang chance na mas tataas at mas malayo rin ang mararating o maaabot ng GUSALI ng pagkakaibigan niyo sa isa't isa.

Habang mas tumatagal, pwede pang mas madagdagan yung FLOORS niyan, dahil kayang-kaya yang buhatin ng PUNDASYON.

Marahil yayanigin ng LINDOL ng mga PROBLEMA ang GUSALI ng PAGKAKAIBIGAN niyo pero dahil sa MATIBAY na PUNDASYON na binubuo ng mga napagdaanan at naranasan niyo, mananatili itong nakatayo at kailan ma'y hindi matutumba o guguho.

Kapag minsan sa PAGKAKAIBIGAN e, nagkakaroon na ng aberya.. dapat matuto tayong balikan yung mga napagdaanan at naranasan na natin. Dapat ma-realize natin na sobrang dami na nating mga napagdaanan at naranasan kasama yung kaibigan.

Makita natin na hindi TAMA na SAYANGIN na lamang ang mga NARANASAN at NAPAGDAANAN kasama ang kaibigan, dahil sa simpleng problema lang.

Yung EXPERIENCES nga kasi ang BEST TEACHERS. Once na parang GUSTO mo ng kalimutan ang isang KAIBIGAN, tuturuan ka nitong balikan ang mga masasayang karanasang hindi MALILIMUTAN kasama ang kaibigan. Tuturuan ka nitong bumalik para makita na hindi sapat ang bilang ng mga PROBLEMA na sumisira sa inyo ngayon, kumpara sa bilang ng mga ma-EXPERIENCE niyo ng MAGKASAMA, malungkot man o masaya..

"Even the good memories can hurt when you miss someone bad enough."

You Got A Friend! (Anatomika ng Puno ng Pagkakaibigan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon