the LIFE CYCLE..
PAGKAKAIBIGAN??
Para kasi yang pag-aalaga o pagpapalaki ng isang halaman.
Kailangan mo muna ng tamang panahon, tamang lugar, at tamang binhi.
Tamang panahon, dahil minsan kahit na handa ka na kapag ang oras ang umaayaw, di talaga pwedeng umpisahan ang pagtatanim ng PAGKAKAIBIGAN.
Tamang lugar, dahil minsan kahit handa ka na kapag wala sa angkop na lugar, balewala din.
Mas mabubuhay kasi ang isang halaman sa mas matabang lupa. Sa mas may sustansya o nutrisyon.
Tamang binhi, ito ang pinaka-importante.
Dahil dapat ang panahon at lugar ang umaayon dito.
Marahil ang binhi ang kakatawan sa TAO na bibigyan mo ng pagpapahalaga dahil magiging kaibigan mo siya.
Kung meron ka ng tamang panahon, lugar, at binhi.
Diyan na papasok yung EFFORT mo.
Itatanim mo ito. Aalagaan mo. Papalakihin at papalaguin mo.
Naryang lalagyan mo ng pataba yung lupa.
Naryang gigising ka sa pagkakatulog para diligan ng tubig tuwing hapon at umaga.
PATIENCE ang kailangan.
Oo, matagal. Pero yung paghihintay na yan ang mas magpapatatag sa inyo.
Mula sa pagiging BUTO, magkakaroon yan ng UGAT.
UGAT na siyang magsisilbing PUNDASYON ng PAGKAKAIBIGAN niyo.
UGAT na sisimbolo sa tibay at tatag ng pagsasamahan niyo.
Ito yung sisimbolo sa mga EXPERIENCES niyo. Sa mga naranasan o napagdaanan niyo.
Sa paglipas ng mga araw, magkakaroon ng mga munting TANGKAY at DAHON ang dati'y BUTO lamang.
Ang munting TANGKAY na ito ang sisimbolo sa TIWALA.
Oo, marahil ito'y munti at maliit pa lamang sa umpisa, ngunit kung patuloy mo itong aalagaan at paglalaanan ng oras, lalago at lalago ito.
Sobrang tagal na panahon ang gugugulin mo para ang munting TANGKAY ay lumaki, tumibay at tumaas.
Totoong yung TIWALA sobrang hirap makuha.
Katulad din ito sa pagpapalaki ng katawan ng halaman.
Ang TIWALA, kinakailangan ng oras para makuha.
Kinakailangan ng PASENSYA, ng TIYAGA.
Pero, once na makuha mo ito, magdudulot sa'yo ng saya.
Napaka-worthful kapag nakita mo ang TIWALA niyo sa isa't-isa na MATAYOG, MATAAS, MATIBAY, at MALAYO na ang naabot.
Parang katulad sa dating MUNTING TANGKAY na ngayon ay PUNO na.
Pero kahit gaano pa KATIBAY at KATATAG ang naging resulta ng pinaghirapan mo..
Darating at darating ang oras kung kelan SUSUBUKIN ka. SUSUBUKIN kayo. SUSUBUKIN ang TIWALA niyo sa isa't-isa.
Darating ang BAGYO. Na sumisimbolo sa mga PROBLEMA dulot ng GREED, PROMISES, at PRIDE.
Pipiliting itumba ang TIWALANG kay tagal mong pinaghirapan.
Ang PAGKAKAIBIGANG iyong INALAGAAN.
Minsan, kahit gaano KATIBAY, kahit gaano KATATAG ang TIWALA katulad ng katawan ng PUNO...
MATUTUMBA at matutumba ito. MASISIRA. MAMAMATAY.
BINABASA MO ANG
You Got A Friend! (Anatomika ng Puno ng Pagkakaibigan)
PuisiHindi ito love story! </3 This book is about things you must consider in a relationship called FRIENDSHIP. Meron ka mang BF or GF.. Wala ka man niyan, at feeling mo nag-IISA ka.. Wag mag-alala! Pikit lang, Inhale. Exhale... At Lagi mong tatandaan n...