the POISONS

53 0 0
                                    

the POISONS.

/-/-/-/

Kaibigan #1: Pre, sorry kung minsan nagiging makasarili ako ha.

Kaibigan #2: Pre, Tss... minsan din naman nagiging makasarili ako. Normal na magkaproblema sa pagkakaibigan. Wala naman kasing perpekto. Kahit sa pagkakaibigan may palya.

Kaibigan #1: Salamat talaga sa laha-lahat ng nagagawa mo sa akin ha. :D

Kaibigan #2: Wala yun. Wag mong isipin yun.

Kaibigan #1: Yung iba kasi, makasarili. Palaging iniisip na dapat may maibalik sa kanila, palaging may benefit na maibalik sa kanila. Iniisip na dapat may katumbas lahat ng ginagawa nila para sa kaibigan nila.

Kaibigan #2: Sa pagkakaibigan, di mo dapat binibilang yung nagawa mo para sa kaibigan mo, dapat ang binibilang mo yung pagkakataong naging masaya ka dahil napangiti mo sila.

/-/-/-/

Humility... Greed...

/-/-/-/

Greed

1. An excessive desire to acquire or possess, as wealth or power, beyond what one needs or deserves.

Humility

1. The quality or condition of being humble; lack of pride.

Humble

1. Marked by meekness or modesty in behavior, attitude or spirit.

Pride

1. An excessively opinion of oneself; conceit.

2. A sense of one's own proper dignity or value; self-respect.

/-/-/-/

GREED?? HUMILITY?? PRIDE??

GREED is the root of all EVIL.

Alam mo ba yung seven deadly sins?

Yung mga antagonists sa anime na Full Metal Alchemist.

Yung PRIDE, LUST, GLUTTONY, SLOTH, ENVY, WRATH, at GREED... yung sins na ito e halimbawa din ng EVILS!

Pero, ang pinaka-ugat ay ang GREED.

Sa tagalog, KASAKIMAN.. Selfishness.

Ang pinagmulan ng lahat ng kasalanan ay ang KASAKIMAN.

PRIDE? Pagiging sakim sa sariling nararamdaman.

Pagiging sakim sa hindi pagpapakumbaba.

LUST? Pagiging sakim sa tawag ng laman.

GLUTTONY? Pagiging sakim sa pagkain.

SLOTH? Pagiging sakim sa pagiging tamad.

ENVY? Pagiging sakim kaya naiinggit.

WRATH? Pagiging sa pagkagalit.

KASAKIMAN. PAGIGING MAKASARILI.

Sa pagkakaibigan, hindi talaga maiiwasan ang pagkakaroon ng problema. Hindi pwedeng iwasan ito once na nandyan na,dapat harapin.

Pero, marami sa mga problema ang pwedeng ma-PREVENT basta sa umpisa palang marunong tayong magpakumbaba.

Magpaka-HUMBLE! Magkaroon ng HUMILITY!

Kadalasan kasi kaya mas nagkakaproblema pa lalo kapag nagkaproblema e, nawawala kasi sa isip natin yung HUMILITY kasi naiisip kaagad natin yung PRIDE natin.

Yung PRIDE na... dapat nilulunok lang natin.

Kung importante kasi ang PAGKAKAIBIGAN sa'yo kakainin mo yang PRIDE mo, para makita yung pagpapakumbaba mo.

Totoong magiging GREEDY tayo sa pagkakaroon ng PRIDE kapag nagkaproblema sa PAGKAKAIBIGAN lalo na kapag hindi naman tayo ang dahilan ng problema..

Mahirap kasing humingi ng tawad kung wala ka namang kasalanan.

Minsan, mahirap talagang MAGPAKUMBABA kung NAGMAMATAAS tayo.

Kahit di tayo ang nagkasala o nagkamali, matuto tayong mag-SORRY. Matuto tayong humingi ng tawad. Kasi kung PINAPAHALAGAHAN mo nga ang PAGKAKAIBIGAN niyo, balewala sa'yo ang ilang beses na pagpapakababa mo kumpara sa MAWAWALA sa'yo kapag tuluyang nasira ang PAGKAKAIBIGAN niyo.

Ang PRIDE kasi parang gamot.

Marahil mapait ito sa panlasa pero kapag nilunok natin ito mas magiging maayos tayo.

Ang taong nagpapaka-humble ay maihahalintulad sa mga palay sa bukirin..

Mapapansin mong nakataas ang ulo ng ilang mga palay.

Ibigsabihin wala itong laman.

Mapapansin mong nakababa ang ulo ng ilang palay.

Ibigsabihin may laman ang mga ito.

Ganun ang pagpapaka-humble, pagpapakita din na ikaw ay isang matalinong tao..

Matalinong tao na nakakapag-isip ng tama kaya ka nagpapakababa para lang hindi masira ang PAGKAKAIBIGAN..

You Got A Friend! (Anatomika ng Puno ng Pagkakaibigan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon