the FLOWERS.
/-/-/-/
Kaibigan #1: Pre , di ba walang iwanan?
Kaibigan #2: Alam mo darating yung puntong aayawan mo ang isang tao. Hindi dahil sa pagod ka na, kundi dahil nawawalan ka na ng rason para gustuhin siya.
Kaibigan #1: Pero ang pagkakaibigan ay hindi tungkol sa kung sino ang unang dumating o kung sino yung mas nagpapahalaga. Tungkol kasi ito sa kung sino yung may oras pa para gamitin sa pagpapadama sa isang kaibigan na siya'y mahalaga.
Kaibigan #2: Wag mong piliting intindihin lahat ng bagay, dahil minsan hindi ito nakatakda para intindihin kundi para tanggapin.
Kaibigan #1: Kung isa man sa atin ang mamamatay, mas pipiliin ko na mauna. Dahil kapag wala ka na, di na ako makakapagpatuloy pa.
(Pagkatapos ng pag-uusap, magkasabay silang nag-donate ng dugo. XD)
/-/-/-/
Susorpresahin kita... Pangako yan!
/-/-/-/
Promise
1. A declaration assuring that one will or will not do something; vow.
Surprise
1. To encounter suddenly or unexpectedly.
2. To cause to feel wonder, astonishment or amazement.
"Surprise refers to the effect of what is unexpected or unusual."
/-/-/-/
PROMISES? SURPRISES?
Expectations..
Pangako... 'Di kita iiwan...
Pangako... 'Di kita pababayaan...
Pangako... 'Di ka na mag-iisa...
Pangakong magmula ngayon..
Tayong dalawa... ang magkasama...
Woooo... hooo.. whooo..
Pangako....
XD HAHAHA. Medyo kanta? Ang pagsasabi ng pangako, parang pagsasabi din ng kasinungalingan.
Parang pagsasabi lang din ng, "Wala ng pag-asa."
Kadalasan kasi sa mga PANGAKO, NAPAPAKO.
Kadalasan puro KAPALALUAN lang. Puro KASINUNGALINGAN lang.
PANGAKO?? Minsan yung pagiging positibo nito e nagiging negatibo.
May mga tao kasing ginagamit ito para magpa-asa sa kapwa, para turuan ang ilan na wag ng magTIWALA.
Hindi naman kasi nabubuhay sa mga PANGAKO ang PAGKAKAIBIGAN.
Hindi ito tulad ng FORMAL Relationships, na katulad ng sa mag-asawa na sobrang dami ng vows o promises.
FRIENDSHIP is not an exclusive relationship.
Hindi mo pwedeng utusan na manatili na palaging nandyan, na palaging maaasahan.
Minsan, hindi rin malinaw kung ano ang mga obligasyon bilang isang kaibigan.
Ang PAGKAKAIBIGAN kasi isang MALAYANG RELASYON.
Pwede mong IPANGAKO ang gusto mong IPANGAKO kasabay ng pwede mong HINDI TUPARIN ang mga dapat TUPARIN..
Ang PAGKAKAIBIGAN hindi nabubuhay sa papel.
Hindi ito pinapagkasunduan.
Hindi ito samahan ng PANGAKUAN kundi samahan ng KATUPARAN.
KATUPARANG, walang iwanan.
KATUPARANG, may matibay na samahan.
KATUPARANG, palaging merong maaasahan.
KATUPARANG, mawala man ang lahat may mananatiling isang KAIBIGAN.
Ganun dapat sa pagkakaibigan.
Walang PANGAKO, dahil ang PROMISES ay isang classic!
Isang classic na pagkakataong alam natin na sa dulo balewala dahil hindi naman maisasakatuparan.
Mabuhay dapat tayo na may paniniwalang ang PAGKAKAIBIGAN, na sa PAGKAKAIBIGAN...
Pwedeng mangyari ang lahat.
Pwedeng matapos ang samahan.
Pwedeng magkaroon ng wakas ang magkasabay niyong NAUMPISAHAN.
Pwedeng hindi maging FOREVER ang PAGKAKAIBIGAN.
Pwedeng sa isang pagkakataon o pagkakamali, ang TAMANG relasyon mawala.
Minsan, nakakapagdulot ng ngiti ang PANGAKO.
pero mas lubos na nakakatuwa at mas nakakapagdulot ng saya ang mga SORPRESA.. Mga SURPRISES!
Mas nakakapagdulot ng saya ang mga bagay na hindi mo inaasahan kesa sa mga bagay na inaasahan mo na, mga bagay na mangyayari na.
Parang sa paggi-grade ni Ma'am o Sir, kapag nagpasa ka ng isang project.. Tapos, ine-expect mo na yung grade mo 80% lang, then makikita mo yung grade mo 81% pala. XD
Diba?? Mas masaya! Yung 80% na inaasahan mo, e 81% pa!! :D HAHA
Sa mga surpriiiiiissaaaa kasi mas may saya!
Mas may Intense! Kasi walang EXPECTATIONS!
Walang inaasahan. Biglaan! Mas may GULAT FACTOR!!
Mas may WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!! XD
Sa pagkakaibigan, mas maayos kung may SURPRISES kesa PROMISES..
Parang mas ok na ipakita mo yung IMPORTANSYA niya sa pag-gawa na lang nito ng kusa kesa sa pagsasabi nito, sa pagpapangako nito..
Mas maa-appreciate niya na mahal mo siya sa pag-gawa ng mga bagay na hindi niya naman inaasahan... kesa sa pag-gawa ng mga bagay na ipinangako mo.
BINABASA MO ANG
You Got A Friend! (Anatomika ng Puno ng Pagkakaibigan)
PoesíaHindi ito love story! </3 This book is about things you must consider in a relationship called FRIENDSHIP. Meron ka mang BF or GF.. Wala ka man niyan, at feeling mo nag-IISA ka.. Wag mag-alala! Pikit lang, Inhale. Exhale... At Lagi mong tatandaan n...