the LEAVES

110 1 0
                                    

the LEAVES

/-/-/-/

Kaibigan #1: Pre, mahal mo ba ako? :D

Kaibigan #2: Hahaha! Oo naman! Mahal kita dahil kaibigan kita. :D

Kaibigan #1: Paano kung hindi pala ako yung tamang tao para sa pagkakaibigan na tinutukoy mo? Paano pala kung sa umpisa lang yung pagmamahal ko sa'yo bilang kaibigan mo?

Kaibigan #2: Ang drama mo pare! Hahaha. :D

Kaibigan #1: Hahaha! Sagutin mo na lang Pre! :D

Kaibigan #2: Alam mo ang PAGKAKAIBIGAN, hindi tungkol sa PAGPILI ng TAMANG TAO kundi PAGBUO ng TAMANG RELASYON. Hindi ito tungkol sa kung GAANO mo kamahal yung kaibigan mo MULA UMPISA, kundi kung GAANO kadaming PAGMAMAHAL yung bubuuin mo para sa kaibigan mo hanggang dulo.

/-/-/-/

Ang pagmamahal at pagpapahalaga mo sa kaibigan mo ang pinaka-importante..

Love,

  Value.

/-/-/-/

Value (n)

1. An amount considered to be a suitable equivalent for something else.

/-/-/-/

Value?? Pagpapahalaga.

Worth. Importansya.

Nung high school merong subject na Values Education o Edukasyon sa Pagpapahalaga. Sabi noon ng teacher namin, ito daw ay nagmula sa Griyegong salita na "Valere".

Nakalimutan ko na ang ibigsabihin pero naaalala ko pa ang last name niya, "Conception" ata?? XD Hahaha

Doon sa asignaturang iyon, itinuturo ang pagpapahalaga. O pagbibigay ng importansya sa mga bagay-bagay. Sa pamilya, sa sarili, sa Diyos, sa kapaligiran, at sa mga kaibigan.

Base sa Moral, Emosyonal, Pisikal, Sosyal, at Espiritwal na konsepto.. Masyadong malalim para ibigay ang kahulugan ng Value o ng pagpapahalaga.

Halaga. Importansya.

Yung Value. Makikita mo yan sa mga Groceries at super markets. Minsan nga 70% Off pa! xD Hahaha

Makikita mo yan sa Music, sa Arts, sa Mathematics..

Makikita mo rin yan sa Alphabet, "The Value" (W).. XD

Maraming pwedeng kakitaan ng Value kung matyaga ka lang na hanapin ito..

Sabi ko nga masyadong malawak..

Naaalala ko pa noon, palagi kaming tinatanong sa Algebra..

"Find the value of X."

Ayy! Hindi pala tanong, utos pala!

Hanapin daw namin yung halaga nitong si "X".

Napakamot ako sa ulo.!!

Paano ko naman mahahanap yung halaga niya kung hindi ko pa naman siya kilala, hindi ko pa siya nakakasama o nakakasalamuha?? XD

Mahirap ibigay ang tamang pagpapahalaga sa isang tao o bagay kung hindi mo alam ang ibigsabihin ng pagpapahalaga.

/-/-/-/

"The Love of Pi"

May nagtanong sa akin dati isang kaibigan.

"Gaano ba ako kahalaga sa iyo?"

Tinanong niya sakin.

Sabi ko, "Kung ano ang value ng Pi!"

Sinabi niya sa akin," 3.14 lang??!!"

Natawa ako...

Tinanong niya kung bakit ako natawa.

Sabi ko, "Ang bopols mo talaga sa Math!"

Tapos, tumawa ako ng mas malakas.

Nalungkot siya, paalis na sana siya nun..

Tapos, pinigilan ko siya at sinabing,

"Bopols ka talaga! Para kang yung Calculator ko! Hahaha. :D Yung Calculator ko nga hindi kasya sa screen niya yung value ng Pi eh! Sobrang dami ng numbers! Infinite! Walang katapusan! Ganun, yung halaga mo sa akin! Walang kahit na anong Calculator yung makakapagsabi. Patuloy at patuloy lang. Ganun kita pinapahalagahan." Hahaha"XD.

Pagkatapos nun, niyakap niya ako at simula nun nag-aral na siya ng mabuti sa Math para bantayan kung magtatapos pa nga ba ang value ng Pi. XD

The END...

/-/-/-/

Sa pagkakaibigan, kayang-kaya nating sabihin na pinapahalagahan natin yung kaibigan natin.

Madaling sabihin na sobrang importante nila sa atin.

Na hindi natin kakayanin kapag nawala sila sa atin dahil pinapahalagahan natin sila ng sobra-sobra.

Pero, nandun yung pagkakataon na hindi naman natin ito napapatunayan. Naisasakatuparan.

Actions speak louder than words, sabi nga nila.

Oo, nandun yung point na totoong bina-value natin yung kaibigan natin. Na tini-treasure natin yung pagkakaibigan. Yung FRIENDSHIP.

Sa halaman, pinakamahalaga ang dahon dahil ito ang RESPONSABLE sa Photosyntesis.

Darating yung time na itatanong mo sa sarili mo na,

"Ano nga ba ang kahalagahan ng isang kaibigan?"

"Gaano nga ba kahalaga si Kaibigan?"

"Mahalaga ba talaga ang PAGKAKAIBIGAN?"

Mahirap! Totoong yung mga tanong na yan mahirap bigyan ng sagot.

It's like finding the value of Pi.

It's like finding the representation of the ratio of the circumference to the diameter of a circle.

It's like... To Hell, Anak! XD

Pero kung bina-value mo talaga ang Pagkakaibigan, Pakikipagkaibigan at Kaibigan.. Sobrang magiging madali na lang para sa iyo na sagutin ito.

Kasing dali lang ng Finding the value of X.

Meron kasing nakalaang FORMULA.

Yung mga tanong na yan kapag sinubukan mong i-solve with the right FORMULA eh, malamang RIGHT din yung magiging RESULTA, yung magiging sagot, yung magiging epekto.

Yung pagpapahalaga natin sa mga kaibigan, totoong mahirap masukat dahil hindi naman dapat natin ito sinusukat. Hindi dapat natin binibilang yung kahalagahan at importansya nila sa atin.

Dapat tini-treasure natin. Bina-value! Habang naryan sila patuloy nating bigyan ng pagpapahalaga yung halaga nila.

Walang permanente sa mundo pero kung pinahalagahan mo ito, itinanim mo sa puso't isip, i-TREASURE, at i-VALUE mo nang sobra.. mananatili ito.

Mawala man sa usaping pisikal na aspeto, pero sa puso't isip mananatili itong buhay, kailanma'y hindi makakakilala ng salitang kamatayan.

Valuing is like keeping a treasure.

You Got A Friend! (Anatomika ng Puno ng Pagkakaibigan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon