the TRUNK

77 2 0
                                    

the TRUNK

/-/-/-/

Kaibigan # 1: Pre, kapag sinabi ko bang tumalon ka dyan bangin, tatalon ka?

Kaibigan # 2: Oo naman!

Kaibigan # 1: Ha?! Bakit naman? Baliw ka ba?

Kaibigan # 2: Kasi naniniwala akong sasagipin mo ako.

Kaibigan # 1: Ngek. Paano kapag hindi pala kita sinagip?

Kaibigan # 2: Ayos lang. Atleast namatay ako sa paniniwalang ginawa lahat ng kaibigan ko yung makakaya niya para sagipin ako.

/-/-/-/

Tiwala? Ano nga ba ang tiwala?

Maililigtas ka nga ba nito sa kamatayan?

O, ito pa ang siyang tutulak sa'yo para mamatay?

Parang napakabigat ng salitang yan pero napakadali lang nating sabihin o ipangako..

TIWALA LANG...

/-/-/-/

Trust (n)

1. Confidence in the integrity, ability, character and truth of a person or thing.

2. One in which confidence is placed.

3. Something committed into the care of another.

Trust (v) - intr.

1. To rely; depend

2. To be confident; hope

Trust; (v) - tr.

1. To have confidence in; feel sure of

2. To expect with assurance; assume

3. To believe

Synonyms.

Faith, Confidence, Reliance, Dependence.

These nouns refer to a feeling that a person or thing will not fail in performance.

/-/-/-/

Tiwala?? PANINIWALA...
Ilusyon?? Panaginip?? Katotohanan??

Naaalala ko pa nung highschool student pa lang ako. Kapag wala si teacher, kapag recess or kapag trip lang namin... may isang activity kaming ginagawa. Madali lang ang mga steps para maisakatuparan ang trip na ito.

STEP 1: Tumayo ng tuwid.

STEP 2: Sa likod mo, tatayo din ng tuwid ang kaibigan mo. Medyo may kalayuan ng kaunti.

STEP 3: Sasagot ka ng "Oo", kapag tinanong ka ng kaibigan mo kung, "May tiwala ka ba sa akin?".

STEP 4: Gagamitan mo ng FREE FALL ang sarili mo. PHYSICS -_- Mula sa pagkakatayo ng tuwid, dapat malaya kang matutumba papunta sa lokasyon ng kaibigan mo na nasa likod.

STEP 5: Sasaluhin ka ng kaibigan mo kung kaibigan ka talaga niya. Maaari ring putok ang ulo mo kung napagtripan ka.

Mas ayos kung yung unang resulta sa STEP 5 yung mararanasan mo. Mahirap kasi yung pangalawa..

PUTOK na ULO mo. Magsusumbong ka pa sa teacher mo, tapos papatawag Nanay mo, Magkikita-kita kayo sa Guidance Office kaharap yung pekeng kaibigan mo na pinagkaTIWALAan mo kaya pumutok ang ulo mo.

You Got A Friend! (Anatomika ng Puno ng Pagkakaibigan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon